Kabanata XXXVII

628 28 32
                                    

Craye

Wala akong balita kay Justine Mula nang maghiwahiwalay kami kaninang umaga nung hinigit sya ni Maice.

Andito kami ngayong gabi sa bar ni Kuya Z at kasama ko si Mon, wala namang ibang sasama sakin ngayon kundi sya lang.

Tumingin ako sa kanya, nakita ko na ininom nya na ang nasa shot glass na tequila na sinalin nya mismo, tyaka sya nag salt at lemon.

"Mon." Tawag ko sa kanya at agad din naman nya kong nilingon.

"Anong balak mo ngayon, Craye?" Nagaalalang tanong nya sakin

"Wala akong magagawa sa desisyon ni Maice at Justine, totoo naman kasi lahat. Hindi ko manlang naipagtanggol si Justine kay Kylie kanina." Malungkot na sabi ko kay Mon tyaka ako nag salin ng tequila sa shot glass. "Bukod don, baka nga hindi ako deserve ni Justine. Palagi ko na lang syang nasasaktan." Dagdag ko pa tyaka ako uminom.

Wala na akong idea pa kung sa papaanong paraan kayang mawala yung sakit na nararamdaman ko. Ito na lang yung huling nasa isip ko ang uminom.

Hindi ko alam kung paano ko aayusin yung kay Kylie at kay Justine pero ang isiping mawawala si Justine at lalayo sakin, yun na ata yung hindi ko kaya.

"Tama na Craye, mas maganda siguro na ayusin mo muna yung sarili mo. Baka nasayo na din yung mali? Hindi mo mapakawalan si Kylie pero hindi mo mapanindigan si Justine." Sabi ni Mon tyaka nya ko tinabihan sa couch.

"Hindi ko alam na dadating pala sa ganito, Mon." Sabi ko tyaka ko pinunasan yung luha na unti unti na namang pumapatak sa mga mata ko. "Ang hirap pala maging masaya no? Pinili lang namin ni Justine na maging masaya nung nasa elyu tayo at hindi manlang namin napaghandaan ito."

"Lahat naman tayo ay pinili na lang munang maging masaya, hindi din naman natin alam na biglang dadating doon si Kylie." Sabi ni Mon tyaka nya inabot sakin yung panyo na hawak nya "kanina kapa iyak nang iyak jan, tama na."

"Craye, kanina pa kita pinagmamasdan mula sa malayo." Nagulat ako sa pagsulpot ni Kuya Z pero agad nya din naman akong tinabihan "lovelife ba?" Tanong nya

Tumango lang ako bilang sagot

"Yung tall girl at maganda na kayakap mo last time dito? Akala mo hindi ko kita yon no?" Pagbibiro ni Kuya Z sakin kaya napangiti ako "Mahirap talaga pag maganda yung minamahal."

Nakita ko naman na mapatawa si Mon nang very light

"Bakit Mon, totoo naman diba?" Tanong ni Kuya Z kay Mon

Nako kuya Z, kung alam mo lang

"Kaso kuya Z, naiyak lang yang si Craye pero mas laging pinaiiyak yun nyan." Nguso pa sakin ni Mon

"Totoo Craye? Grabe ka naman, hindi ata dapat pinaiiyak yung mga ganong kagagandang babae." Sabi ni Kuya Z sakin tyaka nya ginulo ang buhok ko

Napatawa ako sa sinabi nya

"Yung totoo hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, advice naman kuya kung anung dapat kong gawin." Paghingi ko na nang payo

Nakita ko naman si Kuya Z na nag salin muna nang tequila sa baso at nagshot sya tyaka yung salt at lemon

"Hindi ko alam ang totoong kwento pero alam kong alam mo kung ano ba yung tama, basta laging mong pipiliin yung pinipili nito." Sabi ni Kuya Z tyaka nya tinuro yung puso ko "masaktan ka man nang dahil jan at least walang sisihan. Pinili mo ang disisyon ng puso mo at least naging masaya ka." Dagdag nya pa

"Kahit pa may masasaktan ka?" Tanong ko sa kanya

"Sa pagmamahal naman laging may kaakibat na sakit diba?" -Kuya Z

Once in a lifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon