Kabanata XXXIV

605 21 7
                                    

Craye

"See you tomorrow, guy's." Paalam ni Angel pag-uwi namin galing elyu.

Lahat kasi kami ay bumaba na lang kina Gianne, nag snack muna kami sa kanila bago kami umalis.

9am kami umalis doon at 3:17pm kami nakauwi.

Kasama ko si Mon ngayon, kami na lang ang andito dahil nakauwi na din yung iba. Si Justine ay kasabay na ni Maice kanina pa dahil magpasundo sya sa driver nila.

Chineck ko yung phone ko, I got 27 messages from Kylie at 35 missed calls since nung umalis kami. Hindi ko yun binubuksan, ngayon ko lang bubuksan dahil ayoko masayang lang yung araw, oras, panahon na kasama ko si Justine.

Binasa ko isa-isa ito. Lagi lang syang nag gogood morning, good night, nag tatanong kung kumain na ko or paalala na kumain na ko, mag iingat daw ako, enjoy ko lang yung bakasyon, sobra nya na kong miss at gusto nya na din daw akong makita at makasama.

I felt guilty, kahit isa ay wala akong nireplyan at sinagot sa mga tawag nya.

"Tara na Craye, anjan na sundo natin." Basag ni Mon sa pananahimik ko.

Sumunod na ko sa kanya, pagod na din naman sa biyahe kaya gusto ko na ding makauwi.

Pagdating ko sa bahay, nakita ko kaagad ang kotse ni Kylie sa tapat ng bahay namin. For sure anjan sya sa loob kaya pumasok na ko.

"Kuya Nico naman napaka daya mo!" Narinig kong reklamo ni Kylie kay Kuya. Naglalaro kasi sila ngayon nang Jenga at nabagsak ni Kylie yung mga bricks.

"Ako pa yung madaya ngayon? Ikaw jan, basta talo kana." Sabi ni Kuya Nico tyaka nya ginulo ang buhok ni Kylie

"Ohhh Craye, andito kana pala. Sakto ang dating mo may dala si Kylie na buko pie from Laguna." Sabi nang Mama tyaka nya nilapag ang buko pie at juice sa table "kanina sa aerobics dahil wala ka, sinamahan kami ni Kylie." Dagdag pa ni Mama

Ngumiti na lang ako sa kanila, lumapit ako kay Mama at bineso sya ganon din si Kuya. Wala akong choice kundi gawin din yun kay Kylie kahit medyo awkward sakin.

"Mabuti naman Craye andito kana, grabe palagi akong nag aalala sayo. Hindi mo manlang ako nireplyan kahit isa manlang pero napanatag na din ako kasi nagriring pa yung phone na. Lagi kong iniisip na sana palagi kang okay." Sabi ni Kylie sakin habang nakangiti tyaka nya ko inabutan nang sliced buko pie na nasa platito nya, ipinatong ko muna yung phone ko sa table para kunin ang binibigay ni Kylie, tumayo din sya para kunin yung bag kong dala at pinatong nito sa sofa.

How can I reject her?

"Pagod kaba sa biyahe? Halika na massage kita, free lang to." Sabi nya pa tyaka nya ko hinila para maupo ako sa sofa then pumunta sya sa likod ko para imasahe ako.

"Anak, wala ka manlang bang sasabihin kay Kylie? Araw-araw yang andito satin nung nasa La Union ka, araw-araw akong tinatanong kung kamusta kana. Tsk! Hindi ka daw kasi nagrereply sa kanya kaya ako ang araw-araw na iniistorbo nya." Kwento sakin ni Mama

"Tita naman, sinabi pa yon." Sabi ni Kylie kay Mama

"Aba bakit? Totoo naman ahh. Bukod kay Mon ikaw lang ata ang maalaga sa kanya." Sagot naman ni Mama kay Kylie

"Aba Ma! Boto ako jan kay Kylie kung sakali man. Li'l sis, wag kanang maghahanap pa nang iba. The best na yan para sakin." Sabi naman ni Kuya Nico sakin

"Ma! Kuya!" Reklamo ko sa kanila "grabe kayo parang wala dito si Kylie." Dagdag ko

"It's okay, at least diba medyo malaki na yung pag-asa ko sayo." Sabi ni Kylie habang tinutuloy nya ang masahe sa akin.

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now