Kabanata XV

650 23 9
                                    

Babanat na si Master! 😂😂😂
---------------





Justine

"Justine?" Tawag ni Maice sa akin

Nakatingin lang ako doon sa dalawang tao na nasa gitna ng quadrangle at masaya sila. Isa lang ako sa mga maraming nanonood kung paano hinaharana ni Kylie si Craye.

Nakikita ko din yung mga kaibigan ko na masaya, nararamdaman ko na botong boto sila kay Kylie.

"Panonoodin mo na lang ba? Wala ka bang balak na umalis? Ganan kana talaga kamartyr?" Nagaalalang tanong sakin ni Lance

"Masaya naman sya diba? Diba masaya sya?" Pagtatanong ko kay Maice at Lance

"Nakakatawa sya no? Sasabihin nya sayong gusto ka nya pero ayan sya masayang masaya sa iba." Sagot naman ni Maice

"Wait, gusto ka ni Craye? Sinabi nya? As in?" Gulat na tanong ni Lance

"May nakakagulat pa ba kung ganang eksena naman yung makikita mo?" Sabat naman ni Maice

"Justine, hindi mo ipaglalaban si Craye?" Baling na tanong ni Lance sa akin

"Bakit pa? Ayan na ohhh. Game over na ko." Sagot ko sa kanya

Ayoko na! Gusto ko nang umalis, hindi ko pala kayang makita na masaya sya kasama nang iba.

Pinag aaralan ko nang makita syang masaya, pero ang sakit pala. Sobrang sakit pa.

"Justine!" Narinig kong pagtawag sakin ni Sandy mula sa malayo kung saan andoon silang lahat ng mga kaibigan ko.

Tumakbo sya palapit sa akin at walang ano-anong hinigit ako papunta sa pwesto nila. Pero hindi ako papayag na mag isa kaya hinigit ko na si Maice.

"Ikaw, gagi ka no? Antagal mong hindi nagpapakita tapos ang tahimik mo pa sa GC. Anu na bang Balita sayo?" Pagtatanong naman ni Sally tyaka nya ko niyakap

"Wala, busy lang ako nitong nakaraang araw." Sagot ko na lang

Napansin kong nag alisan na ang mga tao, indikasyon na tapos na ang palabas nilang dalawa.

"Hi Justine, ano okay ba yung ginawa ko? Yung panghaharana sa kaibigan mo?" Masayang bati at tanong sakin ni Kylie "I thought, hindi mo napanood pero napanood mo pala. Alam mo you're the best, mabuti na lang ka-ssc kita at kaibigan mo si Craye naging madali yung access ko na mapalapit sa kanya." Pagpapasalamat ni Kylie sa akin

Sorry Kylie kung yung ang alam mo, pero hindi ganon. Tadhana ang nag tagpo sa inyong dalawa.

Anung laban ko nga naman sa Tadhana diba?

"No worries, ang ending naman nyan nakay Craye kung sasagutin ka na nya." Sagot ko na lang

Tiningnan ko si Craye at nakatingin din pala ito sa akin. Agad din akong nag iwas ng tingin, kahinaan ko sya pero sya din ang lakas ko pero ngayon kailangan ko munang tulungan yung sarili ko.

"Sabay naman kayo ni Maice samin mag lunch later, libre daw ni Kylie ehh. Sayang, grab the opportunity na Justine." Masayang pagbahagi ni Mon sa akin

"Alam ko busy si Justine tapos ako may pupuntahan pa." Sagot naman ni Maice

"Teka! Kailan ako naging busy? Okay lang sakin, libre na nga yon tatanggihan ko pa ba?" I countered Maice

Sorry Maice! Pero tinatraydor na naman ako ng puso ko, kahit anong dikta ko sa utak ko na tama na ayaw tumigil nitong puso ko.

Nakikita at nakakasama ko lang si Craye kahit na walang ginagawa but I feel home. Pakiramdam ko, okay ang lahat sa akin.

Martyr

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now