Kabanata XLIV

758 24 14
                                    

Craye

Two days na lang ay aalis na sina Justine at Maice, dapat ko nang tanggapin na walang kami.

Kagabi nagkausap kami ni Kylie and finally pinapalaya nya na ko but it's too late.

Narealize nya kasi nung sinadya nyang ibangga ang kotse nya ay mahalaga sya sa akin pero naramdaman nya na hanggang kaibigan lang.

Nasabi nya din na balak nya sanang gantihan si Justine at ipakita dito na sya ang bato na dinampot na ipupukpok sa ulo ni Justine pero hindi nya na itinuloy pa. Sya daw sana yung magiging malaking problema ni Justine pero dahil nakita nya yung sincere na pag aalaga ko sa kanya at totoong pagmamahal ko kay Justine ay naging malaya ako.

Ang gusto ko lang naman kasing mangyari ay yung hindi ko sya mareject, ang gusto ko ay yung kusa syang bibigay at palalayain ako. Ayoko lang kasing may daladala akong guilt habang masaya ako. Ang mahalaga ngayon okay na ko, wala na kong aalalahanin pa.

Ang plano ko ay patuloy na mahalin si Justine in all means, kahit malayo, kahit mahirap patuloy akong maghihintay.

Hihintayin ko sya sa abot nang aking makakaya, at alam ko sa sarili ko na kakayanin ko.

Hindi man binibigay nang tadhana sa ngayon malay mo sa mga susunod na taon.

"Kumusta?" Tanong sakin ni Mon pagkakita nya sakin, actually andito ako ngayon sa lab room kung saan napakaraming nangyari.

Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan yung kabuoan nang kwarto. Lahat nang masasakit na nangyari dito ay sana hanggang dito na lang. Yung sakit na nararamdaman ko ngayon ay iiwan ko din dito ngayon.

"Magkikita kami ni Justine sa pizza parlor ngayon." Sagot ko kay Mon.

"Wala kang balak pumunta?" Tanong nya pa

"Meron naman, sige Mon sisiputin ko lang for the last time." Sabi ko kay Mon tyaka ko nilisan ang lab room

"Good luck!" Pahabol ni Mon sa akin

Agad naman akong nagtungo sa pizza parlor na sinasabi nila, dito yung place kung saan ako unang hinalikan Justine sa sentido.

Palapit pa lang ako ay nakita ko na si Maice at Justine. Hindi ko alam pero sobra yung kabog nang dibdib ko, hindi ko alam kung papasok ba ako or what.

But still, nanatili akong nasa labas habang pinagmamasdan sya.

Once na pumasok ako sa loob ay alam kong mag mamakaawa ako sa kanya na wag syang umalis, alam kong pag pumasok ako sa loob ay sasabihin ko ang lahat na okay na ko at pinalalaya na ko ni Kylie, alam ko na pag pumasok ako sa loob ieexplain ko ang lahat na wala nang problema at wag nya na kong iwan. Pag pumasok ako alam ko din na baka mag bago ang isip nya at pakinggan nya ang lahat nang sasabihin ko.

Pagginawa ko ang lahat nang yon, paano yung future na pangarap nya para sa kanya, yung opportunity na sasayangin nya, yung possibilities na pwedeng ikaulad nang buhay nya at mga gusto nyang marating. Sa pangalawang pagkakataon ako na naman yung balakid sa buhay nya.

Pinagmasdan ko na lang sya mula sa labas, tama na. Ayoko na syang makausap pa kasi ayoko na syang pahirapan pa sa desisyon nya ngayon, tama ang pinipili nya.

Hindi ko maiwasang maiyak dahil ito na yung huling pagkakataon na makikita ko sya, sa pag alis nya ay wala na din naman akong balak pa na pigilan sya.

Kung ako ang tatanungin ay araw-araw ko syang pipiliin pero kada maaalala ko yung mga araw na nasasaktan ko sya, hindi ako yung taong deserve nya.

Kung sakali man na may nakilala sya doon at mamahalin nya, still kahit masakit ay magiging masaya ako para sa kanya.

Matagal syang nagiintay sa akin, tumalikod at lumayo na ko bago pa man nya ako makita.

Once in a lifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon