Kabanata XXXIX

574 30 15
                                    

Justine

Tatlong araw na ang nakalipas mula nung nabalitaan kong naaksidente si Kylie, tatlong araw na ding nagbabantay si Craye sa kanya.

Nababalitaan ko na lang na before sya pumasok nadaan pa syang hospital at bago naman umuwi ay doon sya nadirecho. Simula din nun ay hindi na din kami nag-usap, hinayaan ko na lang total wala na din naman akong magagawa. Kung ganito yung ending naming dalawa, edi ganito na.

Tatanggapin ko na, sobrang daming beses nya na din naman akong nasaktan.

"Hey Justine, eto na yung TOR natin baka next week pwede na tayong lumipat" sabi sakin ni Maice pagkalabas nya sa registrar at inabot nito sakin ang tor ko.

"Salamat Maice." Yun na lang ang sinabi ko

After kasi namin makumpleto ang requirements ay didirecho kami sa canteen para mag miryenda, ngayon din yung kita kita namin para pag-usapan yung about sa nangyari at yung paglipat namin ni Maice.

Ang totoo ay ayoko pero para sa sarili ko gagawin ko, pinatatag na din siguro ako ng mga katangahan ko.

I miss Craye, I really do. Hindi ko dadayain ang feelings ko, pero hindi ibigsabihin na namimiss ko ay kailangan ko. Magkita man kami later ay magiging casual na lang.

"Ready?" Tanong sakin ni Maice habang binabaybay namin ang hallway papunta sa canteen

"Always!" Sagot ko, kailangan kong ipakita kay Maice na kaya ko na, para sa kanya.

Bago kami pumasok sa canteen ay nakita ko na agad si Gianne at Sally, wala pa yung iba. Wala pang masyadong tao dahil may class pa yung iba.

Kumaway naman agad si Sally sa amin kaya dumarecho na kami doon ni Maice ay magkatabi kaming umupo.

"Papunta na daw sina Mon at Craye, may kinukuha lang si Angel at Sandy sa lib." Imporma samin ni Gianne

"Okay yun, para madali na din tayong matapos at mapag-usapan natin to nang mabuti." Sabi ko na lang kahit deep inside pagrinig ko pa lang sa name ni Craye ay bumilis na agad ang tibok nang puso ko pero kailangan na hindi nila mahalata.

Naramdaman ko naman agad ang kamay ni Maice na pinisil ang kamay ko at ngumiti sakin, indikasyon na kumalma lang ako.

"Hi Guy's, pasensya na ha. Kanina pa kayo?" Tanong ni Mon samin na nakangiti pero halata mo na may iba, siguro ay awkward din sa kanya

"Sakto lang." Si Sally na Ang sumagot

Ayokong tingnan si Craye pero hindi mapigilan nang mga mata ko, pag tingin ko pa lang sa kanya alam ko na agad. Talo na naman ako, pero kailangan kong panindigan tong ginagawa ko. Kailangan kong mag build ng boundary para sa aming dalawa.

Simple lang syang ngumiti sa akin pero ngiting halos katulad lang din nang kay Mon. Agad ko rin namang inalis ang tingin ko at sakto naman na papasok na sina Angel at Sandy sa canteen.

Umupo si Mon sa medyo malayo sa amin tyaka umupo si Craye sa tabi nya.

"Hi, sorry ha nagpasama pa kasi tong si Angel sa lib." Paliwanag ni Sandy tyaka sila umupo ni Angel, ipinatong din nila ang libro nilang hawak sa table.

Rectangular yung table, so ang pwesto namin ay sina Mon, Craye, Sandy at Angel kami naman sa kabilang side which is ako, si Maice, Sally at Gianne.

Mon-Craye-Sandy-Angel

Gianne-Sally-Maice-Ako

Ganyan yung arrangement.

Sobrang intense, grabe! Hindi ko alam kung sinong mag sisimula pero laking gulat ko na biglang nagsalita si Maice.

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now