Kabanata XXVIII

681 29 56
                                    

Craye

Settled na lahat sabi ni Maice, nag volunteer naman si Gianne na yung Hi_Ace na lang nila yung gagamitin namin para kasya kaming lahat dahil 12 seater naman sya. Kumuha na din sya ng driver para relax lang kami pagdating namin sa La Union. Mahaba kasi ang biyahe, parang mga 6-7 hours ata.

Napagkasunduan namin na sa convenient store magkitakita malapit sa school. Nagpahatid na lang kami ni Mon, ang call time namin ay 1am para morning andun na kami.

"Asan na sina Angel at Sally?" Inaantok na tanong ni Sandy kaya pumasok na to sa Van

"Otw na daw." Sagot ni Mon tyaka sya pumasok sa Van.

Seryoso? Hindi nya talaga ko sinama sa loob? Gusto ko syang katabi.

Nakita ko naman na kasunod nya nang pumasok si Gianne at Maice, si Justine kasi ay kanina pa nasa loob nang Van. Ako na lang tuloy ang nasa labas, meaning ako pala ang mag iintay kay Angel at Sally.

"Hi Guy's, sorry pero nagpaintay kasi sakin si Angel para sumabay na sakin. Asan sila? Nasa loob na?" Tanong sakin ni Sally

Tumango lang ako sa kanya.

"Nakalimutan ko kasi yung sunglasses ko." Sabi ni Angel at nag peace sign

"Tara na para makaalis na tayo." Yaya ko sa kanilang dalawa bago ako pumasok sa Van.

Dun na ko umupo sa pinaka safe place, sa isang side na solo lang. Napansin ko na katabi ni Maice si Sandy, dalawahan lang kasi ang 1st line. Sa second line naman ay magkatabi si Gianne at Mon at ako sa solo part , si Justine naman ay nasa likod ko pero nasa kabilang side na pang dalawahan sa 3rd line. Dalawa na lang ang available sa likod ko na para kay Sally at Angel. Sa pinaka likod ay yung mga gamit naming lahat.

Naunang umupo si Sally sa likod ko na pang solo din, kasunod naman si Angel.

"Uhhhh? Gusto ko sa tabi nang bintana." Reklamo ni Angel

"Ikaw na yung late Ikaw pa mareklamo." Sabat ni Sandy

"Grabe ka naman Angel, parang ayaw mo kong katabi." Singit naman ni Justine

"Hoy hindi naman sa ganon, gusto ko lang sa window side." Explain ni Angel

"So sinong mag aadjust para kay Angel? Pa-vip talaga yan ihh." Sabi naman ni Sally

"Craye, favor naman ohh. Please dun kana sa tabi ni Justine." Nagulat ako sa sinabi ni Angel, napatingin naman ako kay Justine na nakatingin lang sa labas.

Tumingin ako kay Maice pero wala syang reaksyon, pag tingin ko kay Mon ay kumindat pa sakin.

Napangiti ako sa ginawa nya, okay may basbas ni Mon so tumayo na ko para tumabi kay Justine.

"Sure Angel, dito kana." Sabi ko na lang

"Okay na po kuya, lalakad na po tayo." Sibi ni Gianne kay Kuya na driver.

Habang binabaybay namin ang daan pa-elyu ay nag labas si Justine nang candy tapos inalok nya ko.

Tumingin ako sa kanya tapos ngumiti at kumuha nang isa.

Kaya sobrang mahal ko tong taong to.

"Sleepy?" Tanong ko sa kanya

Tumango lang sya at sinandal nya ang kanyang ulo sa bintana. Hindi ko na inoffer ang shoulder ko kasi baka mamaya sabihin nya tinatake advantage ko sya.

Matagal tagal din sya sa ganong pwesto.

"Nakakainis." Mahina nyang sabi pero narinig ko naman

"Alam mo Craye, lagi mong sinasabi sakin na mahal mo ko pero hindi mo naman ako inaalagaan or kahit lambing lang." Nabigla ako sa sinabi ni Justine tyaka nya ko inirapan.

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now