Kabanata XXXVI

627 26 18
                                    

Dedicated to Micro13


Justine

Kahapon din ay sinuyo na ko ni Craye habang nag lalunch kami, hindi ko naman na sya matitiis pa kaya sumuko na din ako. Miss ko na din kasi yung hugs and kisses nya, yung panlalambing nya sa akin.

Ngayon andito kaming lahat sa Lab room para pagplanuhan kung anu bang magandang gawin namin para kay Kylie, hindi naman kami ganon kasama para na lang sabihin nang hindi maayos sa kanya dahil naging mabuting kaibigan din naman sya sa amin, kahit sa akin.

Eto yung oras na kailangan na namin ipaalam sa kanya para maging okay na din kami ni Craye, at masabi na din lahat nang katotohanan kay Kylie.

"Guy's, ako na lang unang magsasalita in a good way kay Kylie." Volunteer ni Angel habang nangangain ito nang baon nyang yogurt.

"Kinakabahan ako kasi baka ang dating natin is tinolerate natin yung dalawa porke kaibigan natin." Sabat naman ni Mon

"Yun na talaga yung magiging dating non sa kanya." Sagot ni Sally

"Pero mahal naman talaga namin ni Justine ang isa't isa." Sabi ni Craye tyaka ito tumayo at lumapit sakin

"Lahat nang negative na sasabihin nya ay tatanggapin na lang natin, lalo kana Justine. Isa ka sa nag push sa kanya na mapalapit sya kay Craye pero ikaw yung naging dahilan nang lahat nang ito." Bilin sakin ni Mon na halatang bothered din sa mangyayari.

"Tsk! Kayo yung may pakana nito pero yung best friend ko na naman yung argabyado." Naiinis na sabat ni Maice sa kanila

"Maice, it's okay. Para maayos na natin to." Sabi ko kay Maice

"Maice, relax ka lang. Hindi naman natin hahayaan na ganon na lang si Justine." Assurance naman ni Angel kay Maice

"Ako naman talaga dapat ang mag explain nang lahat pero nadadamay pa kayo." Sabi ni Craye, medyo nahihiya sya sa mangyayari

"Isa din naman tayo sa nag push kay Kylie para kay Craye, but beyond the story nasasaktan na pala natin yung mga kaibigan natin na ayaw aminin ang feelings sa isa't isa kaya tayo umabot dito." Komento ni Gianne habang nakaupo sa floor katabi si Sandy

"Guy's, sa gagawin natin ay ang sakit nito para kay Kylie." Sabi ni Sandy na halata mong kabado din

Narinig namin ang pag-click nang pinto, lahat kami ay hindi namin inaasahan na mangyayari ito. Pumasok si Kylie habang pumapalakpak pero kitang kita sa mga mata nito yung sakit na nararamdaman nya, kahit ako'y ramdam kong gusto nya nang umiyak ngunit nakangiti lang ito na may halong ngisi.

Lahat kami ay hindi preperado sa eksena. Lahat kami ay tahimik lang, isang malakas na pagtawa ni Kylie ang tanging narinig namin, si Gianne at Sandy ay napatayo sa pwesto nila, si Angel ay naibagsak pa ang spoon na hawak nya.

Si Craye ay nanatiling kalmado pero nung hawakan ko ang kamay nya, malamig ito at ako, hindi ko alam. Naramdaman kong lumapit si Maice sa akin.

"Magaling! Magkakaibigan nga kayo." Sabi ni Kylie habang tinitingnan kami isa isa. "Kaya nyong itolerate ang mali nang bawat isa. Wow! Hindi ko kayo tinuring na iba, ginawa ko lahat para makisama sa inyo kasi kaibigan kayo nang taong mahal ko." Dagdag nya pa tyaka nya pinunasan yung mga luha na pumatak sa mga mata nya.

"Kylie." Mahinahon na pagtawag ko sa kanya.

"Manahimik ka Justine!" Matalim na tingin ang pinukaw nya sakin "ang kapal nang mukha mo, tinuring kitang malapit na kaibigan pero ganito ang igaganti mo sakin? Sayo ko sinabi lahat kung gaano ko kagusto yung kaibigan mo na mahal mo din pala. Gago ka! Bakit mo pa ko pinush sa kanya? Bakit mo pa ko nireto sa kanya? Bakit mo ko binigyan nang pag-asa? Tapos kukunin mo din pala?" Sigaw sakin ni Kylie habang umiiyak at nasasaktan.

Once in a lifetimeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora