Kabanata XIV

673 22 5
                                    

Craye

Five days na yung lumipas pero parang walang nangyari. Ang nag iba lang, parang iniiwasan na ko ni Justine.

Paglabas ko din nung Lab nung araw na yun ay umalis na ko sa campus, gusto kong makapagisip-isip.

Hanggang ngayon din ay hindi ko pa nakakausap si Kylie about saming dalawa, she always texted me naman kahit hindi ako nagrereply. Araw-araw lagi syang may pa-good morning, lagi din syang nag papaalala na kumain na ko, madalas mangangamusta, bago matulog ay may good night din.

Paano ko iiwasan yung taong umaasa na? Yung taong nag iinvest na ng feelings sa akin. Ayoko syang saktan kasi mabait sya, pati sa mga kaibigan ko ay mabait din sya.

Last time nga, nabalitaan ko na lang na kasama nya yung Mom nya na nag e-aerobics, kadance class ng Mom ko yung Mom nya.

[Hi Craye, free ka ba today?] Text ni Kylie sakin

Weekend ngayon kaya alam nyang free ako pero nagtanong pa din sya.

[Yes! Why?] Reply ko na lang

[I have something for you, puntahan kita jan sa inyo.] Kylie

Hindi na ko nag reply, alam ko naman na pupunta sya. Ganon sya kapilit, gagawin nya ang lahat para sa akin.

Paano ko sasaktan ang taong to? Punong Puno sya ng kindness sa katawan.

[Otw, Craye. See you soonest. ❤️] Text nya pa ulit

Hindi ko na ulit sya nireplyan pero iintayin ko na lang sya.

Wala pang 20 minutes ay dumating na sya, nilabas ko sya sa gate at nakita ko na may bitbit sya.

"Hi." Bati nya sakin tyaka nya ko kiniss sa cheek, kita ko din agad na nag blush sya

"Hi, pasok ka." Pinapasok ko sya at kinuha ko yung dala nyang pizza, meron pa kasi syang bitbit na isa pa pero hindi ko alam kung ano.

Umupo sya sa sofa at doon ipinatong yung dala nya, ipinatong ko na din sa table yung pizza.

"Ky, juice or water na lang?" Tanong ko

"Water na lang, bawal masyado ang juice diba?" Sagot nya sakin, pinagbabawalan nya kong uminom nun kasi niyayaya nya kong mag jog paminsan pero hindi pa ko nasama sa kanya. Hindi daw kasi maganda yun sa health

Tumango na lang ako at kumuha ng tubig sa fridge.

Dala ko ang tubig at naupo na ko sa tabi nya, binuksan ko din yung TV para hindi naman ako ma-awkward.

"Ohh Kylie, andito ka pala pasabi sa Mom mo na aattend kami sa next session ng aerobics ha, sama kana din ulit para naisasama ko din itong si Craye." Sabi ni Mom tyaka nya bineso si Kylie

"Sige po Tita, kailan po ba ang next session? Hehehe. Huii Craye sumama ka next time ha." Tanong ni Kylie sa Nanay ko at pag coconvince nya sakin. "Tita, gusto nyo po ba? May dala po ako ditong pizza." Alok pa ni Kylie sa Nanay ko

"Next Friday, sumama kayong dalawa samin ha. Hehehe. Nako, pasensya na at tatanggihan kita nagmamadali kasi ako." Sagot ni Nanay kay Kylie

"Anak, bago ko makalimutan. Oo nga pala dumaan dito si Justine last week, may inabot sya sakin ngayon ko lang ulit naalala para daw sayo yun andun sa cabinet ko kunin mo na lang. Pasabi na din na thank you ulit sa kanya, nag abala pa ang batang yun, binigyan ako nang cookies." Sabi ni Mom tyaka sya bumeso sakin at umalis

"Si Justine talaga ay napaka soft-hearted and sobrang kind." Singit si Kylie habang binubuksan nito yung dala nyang pizza

No doubt Kylie, no doubt.

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now