Kabanata IV

888 33 0
                                    

Craye

"Grabe kahapon no? Naka hot seat ka buti na lang may nag PA na may event, na ngayon ieexplain nga dito." Sabi ni Mon habang naglalakad kami papuntang quadrangle

Ang totoo ay hindi ko din talaga alam ang isasagot ko, laking pasasalamat talaga. Sa ngayon ang gusto ko lang linawin ay kung bakit sinabi yon ni Justine.

Tumango na lang ako bilang sagot kay Mon.

"Alam mo kanina ko pa napapansin, kanina pa ko sa room daldal ng daldal pero ang nakukuha ko lang na sagot sayo kundi oo or hindi, wala pang sounds. Aba Craye!" Reklamo ni Mon tyaka kami naupo sa bleacher.

"Nakakarindi kana kasi, mabuti pa makinig na lang tayo ng announcement ng SSC kung anung ganap next week." Sabat ko naman sa kanya.

"Asan ba kasi sila Sally nang hindi naman ako mapanisan ng laway sayo." Patuloy na reklamo ni Mon sakin

Hinayaan ko na lang sya, bahala sya basta ako makikinig na lang sa announcement.

Nakita ko si Ram, yung SSC pres. na lumapit na sa rostrum para iannounce kung anong ganap next week. Pero laking gulat ko nang bigla nyang tinawag si Justine para iexplain samin ang event na magaganap. Nagpakilala lang si Ram but she introduced Justine na mag explain.

Gorgeous, indeed.

Hindi ko maiwasang mamangha, the way she talk, yung witty sides nya kaya hindi nakakatamad pakinggan. Ewan ko pero, anlakas ng epekto nya sakin. The way she smile, grabe sulit lang pag pinagmamasdan mo sya. Hindi ko maiwasang mapangiti, I adore her, big time. No doubt.

Lately kasi ay madalas na syang laman ng isip ko, nung una talaga akala ko wala lang pero nakararamdam na ko ng lungkot, nung nag text sya kay Mon tapos sakin hindi, nung akala ko ako lang tinext nya pero lahat pala kami, sobrang naiinggit na ko kay Maice pag hawak nya ang kamay nito, at masakit din pala yung halos ipamigay ka nya sa iba pero ang lahat ng pain na yun ay nawawala din agad pag ngumiti sya. Kailan nga kaya dadating yung araw na ako na yung nag papangiti sa kanya.

Napatawa ako ng light, paano ko kaya sasabihin kay Mon na gusto ko yung close friend nya, na ngayon friend ko na din. Masasabi ko bang swerte na ko kasi ako kahit papano nakakalapit sa kanya?

Siguro hindi na lang muna, itatago ko na lang muna yung feelings ko for her. Wala din namang masama kung magustuhan ko sya diba? Ang alam ko naman single sya.

"Hanggang kailan ka jan tatanga? Craye, tapos na yung announcement, halika na. Pinapakiramdaman kita pero aba, sobra na." Pagrereklamo ulit ni Mon

Pero seryoso? Ganon ako katagal nag daydream?

"Inaayos na nila yung ibang monoblock ohh." Sabat ulit ni Mon tyaka ito tumayo

"Masama bang mamangha sa kaibigan mo?" Sinabi ko to pero mahina lang talaga, yung hindi maririnig ni Mon

"Anong sabi mo?" This time inis na Mon na yung nakita ko pagtingin ko sa kanya kaya natawa ako.

"Tumawa ka, basta wag kang mag tatanong kung anong event next week. Bwiset!" Sabi ni Mon tyaka ito nag back out.

Natatawang sinundan ko na lang sya. Tatanungin ko na lang sya maya-maya, alam ko naman na hindi nya ko matitiis.

Palabas na kami ng quadrangle nang makasalubong namin Si Kylie.

"Hi Craye, Mon." Bati samin ni Kylie tyaka nya kami bineso

Nag Hi na lang din kami ni Mon.

"So ready na ba kayo next week?" Tanong ni Kylie sa amin.

Hindi ko na din kasi maintindihan yung announcement habang nakatingin ako kay Justine. Para bang naging blurred ang lahat at tanging sya na lang yung nakikita ko.

Once in a lifetimeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora