Kabanata X

692 23 0
                                    

Craye

Nag chat na lang si Maice na mauna na kami sa mall at susunod na lang daw sila ni Justine.

Dumarecho na kami sa arcade, kasama ko si Kylie waiting for Mon dahil nagpapapalit pa ito ng token. Sina Angel naman ay naglalaro na, si Sally hindi ko alam kung anung nakain nya pero kumanta pa sa Videoke.

Grabe din naman!

After magpapalit ni Mon ay nagpunta na kami sa favorite namin na claw machine. Malimit din na ito ang nilalaro namin nila Mon.

"Ky, magaling kaba dito? Ito kasing si Craye mauubos muna ang pera mo bago sya makakuha." Kwento ni Mon kay Kylie

Ang totoo nyan ay si Mon lang ang malimit makakuha sa aming dalawa. Madalas nga yung nakukuha ni Mon sa akin nya pa binibigay.

"Hui Craye, diba magaling ka dito tulungan mo naman ako. Gusto ko kasing makuha yun." Itinuro naman ni Sandy yung stuffed toy na 10,000 tickets ang kailangan

Nasa Blox Breaker sya, yung yung may mga colored balls na ibabato mo sa screen na dapat tamaan mo yung mga blox para more tickets.

"Sige wait, last 2 games ko dito." Sigaw ko kay Sandy kasi medyo maingay dito sa arcade

At the end wala pa din akong nakuha sa claw machine, iniwan ko na dun sina Kylie at Mon kasi muka naman silang enjoy na enjoy dun.

Sobrang naeenjoy na namin ni Sandy yung paglalaro, hindi na namin pinapakialaman ang paligid, ang goal namin ay maka 10,000 ticket kami para sa stuffed toys na gusto ni Sandy.

*blog*

Napatigil kami ni Sandy dahil sa lagabog na narinig namin, hinanap ko kung saan nag mula ngunit natatakluban ito ng mga tao. Napansin kong nagtatakbo doon sina Sally at Angel kaya tumakbo na din ako papalapit, naiwan ko na si Sandy.

Paglapit ko ay nakita ko si Justine na nakaupo sa sahig, habang inaalalayan ni Maice para makatayo ngunit masyadong iniinda ni Justine yung ulo nya kaya nanatili itong nakaupo sa sahig.

Nakita kong lumuhod si Sally at Angel para asikasuhin si Justine.

"Anu bang nangyari sa kanya?" Worried na tanong ni Gianne

"Tinamaan sya nung bola ng basketball sa ulo, pag tira kasi ni Kuya ay napalakas ngunit sa iba tumama, pag banda ay sa kanya tumama, hindi nya agad nakita na papunta sa kanya ang bola kaya lumagapak sya sa sahig. Medyo malakas din yung infact." Paliwanag naman ni Maice

"Sorry Miss, hindi ko naman intensyon na tamaan ka." Paumanhin ni Kuyang nakatama sa kanya.

"It's okay." Pampalubag loob na sabi ni Justine dun sa nakatama sa kanya

Alam kong nasaktan ito dahil hawak nya pa din ang kanyang ulo, nakita kong napatingin sakin si Justine. Gusto ko sana syang tulungan ngunit andun na naman si Maice, Sally at Angel.

"What's going on here?" Singit ni Mon tyaka nito hinawi ang mga tao na nasa paligid

"Relax Mon, okay na daw si Justine." Sabat naman ni Sandy

Nasa likod ko na pala si Sandy at katabi ni Mon si Kylie.

Lumuhod din si Sandy at tyaka nila tinulungan si Justine na makatayo. Agad namang kinuha ni Mon ang mga gamit ni Justine na nasa lapag.

"Here, Justine." Inabutan naman ni Kylie si Justine ng bottled water para mahimasmasan

Ako lang ata ang nanatiling nakatayo at hindi sya natulungan, ewan ko kung bakit wala akong ginawa pero nung pagkakita ko pa lang sa kanya kanina na nakaupo sa sahig ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko, basta ang alam ko lang kinabahan ako sa nangyari sa kanya.

Once in a lifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon