Kabanata VI

768 33 0
                                    

Craye

University Week

I'm wearing black printed shirt, ripped jeans and black & white Jordan1 shoes.

Dinala ko na yung kotse na gift sakin ng parents ko para hindi hussle, minsan ko lang naman gamitin. Pinark ko na ito katabi ng kotse ni Angel.

*Tok-tok-tok*

Napalingon ako sa right side at nakita ko doon si Justine at kumakaway pa sakin at ngiting ngiti. Binuksan ko yung bintana ng passenger para makapag usap kami.

Eto na naman yung kaba, ramdam na ramdam ko na naman.

"Hi Craye." Binuksan nya ang pinto at pumasok sya sa loob, ngayon andito kami sa loob ng sasakyan ko. Kaming dalawa lang.

I'm speechless, ang ganda nya. Yung smile nya, yung mga mata nyang kumikinang pa, yung labi nyang wala namang lipstick pero mapula. Gosh! Lord, please ibigay mo na sakin tong babaeng to.

"I'm going to Mercado, sama ka?" Offer ni Justine sakin

She's asking ba na mag date kami? Hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon.

"Sure, free time ko pa naman." Sabi ko na lang.

"Kanina pa ko dito sa school nag aayos, I'm tired." Habang nagsasalita sya ay may pinagpag pa syang something sa balikat ko. "Sobrang busy talaga namin, ngayon lang ako nakapag break." Dagdag nya pa.

I'm too soft to this girl. 🥰🥰

"Gusto mo ba bilhan na lang kita tapos dito kana kumain sa kotse ko?" Alok ko sa kanya kasi muka ngang pagod sya, ngayon ko lang napansin. Kanina kasi ang jolly jolly nya pa.

Nakasandal lang sya at nakapikit.

"Wait lang ha, bibilhan lang kita ng food." Palabas na sana ako pero pinigilan nya ko.

"Dito ka lang, dito ka na lang muna." Sinasabi nya yan habang ganon pa din ang pwesto nya.

Weird, pero hinayaan ko na lang sya.

"Craye, answer me. Sabi ko dito ka lang muna, baka umalis ka." This time tumingin na sya sakin.

"Dito lang ako, promise." Sagot ko sa kanya para tuluyan na syang makapag pahinga.

Umayos na ulit sya ng pwesto at pumikit nang muli.

Ang totoo ay hindi ko alam ang gagawin ko, para makapag pahinga sya ng ayos ay ibebend ko na lang yung sandalan nung inuupuan nya but, tsk! Bahala na si Lord.

"Hummm Justine, is it okay kung ibend ko yung sinasandalan mo?" Tanong ko ngunit tango lang ang nakuha kong sagot sa kanya.

Paglapit ko pa lang ay amoy na amoy ko na ang sweet vanilla scent na pabango nya, nakakaadik pala.

Hindi ko maiwasang hindi lumapat yung katawan ko sa katawan nya, nasa right side pa kasi nya para maadjust ko yung sandalan. Habang nababa yung sandalan ay sumusunod din yung katawan ko, mabuti na lang at nakapikit sya or baka nga tulog na sya kasi wala naman syang reaksyon pero ako, yung puso ko kanina pa nagkakarera dahil sa kaba at konti na lang din talaga ay hindi ko na maramdaman ang AC nang sasakyan ko.

"Craye!" Nagulat ako sa pag imik nya kaya agad akong napabalik sa inuupuan ko at umayos, nakakahiya.

"Ahhh uhhhh, why?" Sagot ko na lang pero hindi ko sya matingnan

"I'm starving, gusto ko nang pasta & pizza, please." Hindi ko sya tiningnan kasi feeling ko ang cute nya this time.

"Sabi ko naman ibibili na kita diba?" Sagot ko sa kanya

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now