Kabanata XLIII

617 23 17
                                    

Justine

"Hey!" Bati sakin ni Maice habang nakaupo ako dito sa bleacher nang university na pinapasukan namin ngayon.

Ngumiti ako sa kanya

"Mamimiss ko ang pinas, two days na lang aalis na tayo." Sabi ko kay Maice

"Pinas lang ba talaga ang mamimiss mo? Pero alam mo Justine, thank you kasi alam ko na mahirap ito para sayo. Alam ko yun, ramdam ko yun pero kinakaya mo. Para naman satin to, for now sarili mo naman muna and thank you dahil sinamahan mo ko sa mga gusto ko para sa buhay ko. Ganitong buhay din ang gusto ko para sayo." Paliwanag sakin ni Maice

Nung una talaga na sinabi ito sakin ni Maice ay ayoko, wala naman talaga akong balak na mag try ng scholarship abroad at mag work sa ibang bansa pero dahil sa pageencourage sakin ni Maice ay napapayag na din ako and much better para sakin para kalimutan na muna si Craye kahit parang impossible mangyari ay gagawin ko para sa akin, sa akin na muna. Thankful din dahil pumayag ang family ko sa naging disisyon namin ni Maice

"Para sa future naman natin to kaya okay lang, hindi lang naman para sayo at para sakin din naman to. Maganda nga ihh kasi magkasama tayo, sa sobrang daming nag apply, sa 10 slots nakuha tayong dalawa." Paliwanag ko naman sa kanya

"Ohhh maayos ka bang nagpaalam sa kanila? Kay Craye nagpaalam ka ba ng ayos?" Tanong sakin ni Maice

Ang totoo ay hindi pa nga naging okay yung last encounter namin nung despedida.

Umiling lang ako bilang sagot.

"Dapat pa ba akong magpaalam sa kanya or lisanin ko na lang ito nang hindi kami nag uusap at nagkaintindihan?" Tanong ko naman kay Maice

"Hindi naman ako ganon kasama at alam kong gusto mo ding magpaalam, okay lang yun mag papaalam ka lang naman." Sabi sakin ni Maice tyaka nya ko hinawakan sa balikat "walang araw na hindi mo sya minahal, karapatan mo na makausap sya para mapanatag ka." Dagdag pa ni Maice sa sinabi nya

"Sasamahan mo ba ko?" Tanong ko sa kanya

"Oo naman, I call her para magkita kayo." Offer ni Maice kaya pumayag na ko

-----------------

Magkikita kami ni Craye sa pizza parlor malapit sa school nila, pumayag naman sya na magkita kami pero kasama ko pa rin naman si Maice

3 minutes before 4pm, 4pm ang time na binigay nya. Andito na kami sa pizza parlor ngunit wala pa sya.

Lumipas ang 20 minutes ay wala paring Craye na nadating.

"Sabi nya 4pm pero wala pa sya, bakit kaya? Tawagan ko ulit?" Tanong ni Maice sakin

"Baka ayaw nya kong makita kahit sa huli, sabagay sino ba naman kasing Tanga na papayag pang makipag usap sakin after ko syang sabihan nung pool party." Pag amin ko kay Maice

"Bakit? Anu bang sinabi mo?" Tanong nya tyaka sya tumabi sa akin

"Basta alam ko lang sa sinabi ko nasaktan ko sya." Yun lang ang sinabi ko kay Maice

"Ano iintayin pa ba natin sya?" Tanong ni Maice

Tumango ako, baka kasi busy sya or late lang talaga sya.

Inintay pa namin si Craye nang mga ilang minuto.

Sa huli, Wala talaga. Hindi nagpakita si Craye sa amin ni Maice. Sinabi nya lang kay Maice na pupunta sya pero hindi din pala. Umalis na lang kami ni Maice sa pizza parlor, sayang at hindi manlang kami nakapag usap pa.

Hindi ko din naman kasi alam kung kailan ang balik namin ni Maice sa pinas, maaga kami doon kasi mag aayos din kami sa university na papasukan namin. Dun na din kami mag babakasyon just in case na ipatawag kami ng school ay andun lang kami.

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now