Kabanata XXXI

734 34 12
                                    

Craye

Gabi na nang maisipan namin na pumunta sa beach club, napagkasunduan kasi namin na ngayon gabi din kami mag bar kasi bukas ay susulitin naman namin ang view dito sa thunderbird. Gaya nung gustong puntahan ni Sandy na light something at maganda din dito yung 11,000 roses na sa gabi din naman maganda.

Humanap na nang place si Sally kaya sumunod na lang kaming seven sa kanya, pero syempre hawak ko ang kamay ngayon ni Justine. Sakin na muna sya kasi kanina ang kulit talaga ni Sandy, sila na lang yung magkasama kahit nung nag lunch sila yung magkatabi at nung swimming nang hapon sila din magka kwentuhan. Siguro ay gustong malaman ni Sandy ang kwento naming dalawa ni Justine kaya wala na din akong nagawa.

"Babe, bored ka kanina no?" Tanong sakin ni Justine bago kami naupo.

"Hindi naman, para lang may kulang. Syempre gusto ko kasama ka lagi pero enjoy naman dahil kasama ko sila." Pagtukoy ko kina Angel.

"Hayaan mo na at si Sandy ang nakakita satin kaya ganon na lang nya gusto malaman ang lahat, gusto nya mag sink-in sa utak nya yung mga nakita nya. Sa ginagawa natin kanina kahit naman sino diba? Sabi ko nga kanina kay Sandy sa susunod na makakita sya nang ganon lumabas na lang sya, istorbo ehh. Hahaha. Ang awkward tuloy tapos nakakahiya pa." Kwento sakin ni Justine

Natawa ako sa kwento nya, kanina Todo asaran may agenda naman palang chika si Sandy.

Lumapit pa ko kay Justine at nilagay ko sa likod ni Justine ang kaliwang kamay ko para hawakan sya sa waist nya.

"Pwede naman nating ituloy later." Bulong ko sa kanya

Tumingin sakin ng masama si Justine

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Hindi kapa nakakainom yung utak mo Babe, green na." Reklamo sakin ni Justine

"So ayaw mo nga ituloy natin mamaya after natin dito?" Tanong ko

"Craye! Nakakainis ka. Sige mamaya promise pagkauwi natin." Nakangiting sagot ni Justine sakin

"Tapos na kayo magharutan? Pwede na tayong umorder?" Basag ni Mon saming dalawa

"Kasi kanina pa kami nakatingin sa inyong dalawa." Sabat naman ni Gianne at inabutan kami ng menu

"Kasi rinig din namin yung sinasabi nyo." Si Sandy

"Mag rent kayo nang ibang villa kung maghaharutan kayo pagkatapos natin dito." Reklamo ni Sally

Napa face-palm ako sa mga sinasabi nila, nakakahiya. Pagtingin ko kay Justine nakangiti na naman ito sa kanilang lahat

Wth! Paano nya nakakaya yung ganong pang-aasar?

"Mag rerent talaga kami, mainggit kayo." Banat ni Justine sa kanila

"Aba matapang at isusuko nya na ata ang bataan." -Sandy

"Huii Maice, pagsabihan mo nga tong best friend mo at iba-iba na ang sinasabi." Sumbong naman ni Angel kay Maice

"Hindi naman namin yun gagawin, mag cucuddle lang kami." Ako na yung sumabat at baka kung ano pa sabihin ni Justine

"Ayan na naman kayo sa cuddle na yan, hindi Craye katabi kita matutulog mamaya." Pagpigil samin ni Mon

"Ikaw din Justine, baka mamaya makita ko na naman na nakapato-"

Nakita kong pinigilan ni Justine si Maice sa pagsasalita

Si Gianne ay hindi na nakatiis at sya na Ang umorder para samin dahil walang mangyayari kung lahat kami mag aasaran lang dito.

"Anong nakapato?" Natatawang tanong ni Sandy

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now