Kabanata XLII

615 27 18
                                    

Craye

Nagising ako sa tunog nang phone ko, nakita ko na natawag si Mon kaya kahit antok pa ay sinagot ko ito.

"Yes Mon?" Bungad kong tanong

"Hurry up Craye, may papiging ang mag best friend. Not sure kung para saan pero sa bahay lang nila Maice, may pa-pool party." Masayang balita ni Mon sa akin.

Napabangon naman akong bigla dahil sa sinabi ni Mon, Anu kayang meron?

1 week na yung lumipas nung huling encounter namin kay Justine.

"Anung oras daw ba at parang madaling madali ka, as in now na? Haller 9:03 in the morning?" Tanong ko

"Yes! Kaya bilisan mo na." Sabi naman ni Mon "nagbibihis na ko, bangon na at mag ayos kana." Dagdag nya pa tyaka nya ko pinatayan nang phone

May gusto pa kong itanong pero binaba na agad ni Mon. Tsk! Anu kayang meron? Bakit parang hindi ako excited sa paganap nang mag best friend na yon.

Gayun pa man ay bumangon na ako at nag shower, after ko mag shower ay nagsuot lang ako nang sleeveless na sexy dress at nag sandals. Nag apply na din ako ng make-up pero light lang kasi pool party ang punta ko at umaga pa.

Nagtext si Mon na magkita kita na lang daw kami sa bahay ni Maice, kahit na ganon ang nangyari sa amin ni Maice ay still magkaibigan pa rin naman kami in some reasons.

So I respect her invitation kesa naman hindi ako pumunta diba?

Habang nag mamaneho ay nakita ko pa ang kotse ni Angel sa likod ko, napansin ko lang sa side mirror.

Tinapatan nya ko kaya nag bukas ako ng window at ganon din sya.

"Hi Craye! Convoy na tayo, ako na mauna tapos follow kana lang sakin." Sabi ni Angel at nauna na ito.

Minsan talaga weird sya or excited lang sya kasi kina Maice ang punta.

Napangiti na lang ako.

Pagdating namin doon ay sabay naman kaming pumasok ni Angel sa gate nina Maice, actually doble yung laki nang bahay nila kesa sa amin.

"Ohhh Hi, finally dumating din kayo." Nag beso sakin si Maice at ngumiti pero si Angel hinug nya, hummm parang may something pero hindi ko na inusisa pa.

Niyaya nya na kami sa pool area, hindi nakaligtas sa paningin ko si Justine.

She's so hot! Potek!

She's wearing red swimsuit na pababa sa pool, grabe ang sexy nya talaga. Hindi pa nya ako napapansin mula kung nasaan man ako.

"Ang lagkit nang tingin mo dun sa chix na naka pula." Alam ko kung kanino nang galing ang boses mula sa likod ko, kay Gianne

Napangiti na lang ako sa kanya tyaka ako nag hanap nang place kung saan bakante, iniwan ko na sila ni Angel doon dahil mukang magchi-chikahan pa sila.

Marami ding tao, mga friends ni Maice sa school namin at mga friends nila siguro ni Justine sa bago nilang school.

"Ang tagal mo talaga Craye." Biglang sulpot ni Mon sa tabi ko, may dala pa itong cocktail pero binigay nya din sakin

"Sabay lang naman kami ni Angel dumating." Sabi ko na lang

"Mag sswim ka later? Teka nakapag breakfast kana ba? Tera sa churcuterie area." Yaya sakin ni Mon kaya sumunod na lang ako, actually marami namang food pero dahil morning pa lang naman ay yun na muna ang kakainin ko. Available din naman yung mga donuts and bread sa part na yun.

After namin kumuha ay napansin kong muli si Justine na may kausap na guy sa kabilang area, I don't know pero nagiinit na agad yung ulo ko.

Umiinom silang dalawa ng buko juice habang nanonood ng mga naliligo sa pool or may pinag kkwentuhan din ata sila.

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now