Kabanata VII

726 31 0
                                    

Craye

After namin sa mercado ay dumarecho na muna kami ni Mon sa booth namin, samin kasing mga Archi. napunta yung Disco Booth, so nag volunteer muna kami sa area kung saan saamin bumibili ng tickets.

Mahaba ang pila at talaga namang maraming gusto mag disco, kahit umaga. Pero ginawa namang namin na madilim yung room maganda din talaga yung lights and sounds. Sulit na para sa 100 pesos na 30 minutes ka sa loob. Yung pera na malilikom namin ay para sa org. ng mga Archi. students gaya namin.

Habang busy kami ni Mon na nag bebenta ng ticket ay may nag posas sa akin.

Wth is going on?

Nabigla ako, hindi ba excuse pag nakatoka ka sa booth?

"Wait! Nagbebenta ako ng ticket" reklamo ko.

"Sorry Miss Vergara pero kailangan mong sumama." Sabi naman nung student na nagposas sa akin, napansin ko ang lace ng ID nya. It's I.T. student means, sa kanila ang marriage booth.

So kanino ako ikakasal? Teka lang, kay Justine ko lang gusto.

Lord naman, please.

Ayoko na makipagtalo pa kaya sumama na ko.

"Good luck sa wedding mo, best wishes na lang sayo besh." Pahabol pa ni Mon at tawa ng tawa.

Pag hindi kay Justine, magwawala talaga ako. Jk!

Higit higit ako nung nanghuli sakin, potek. Pero laking kaba ko nung nakita ko si Justine na nandun sa marriage booth. Nakangiti sya, makikita mo na masaya.

At ganon na lang ang panghihina ko nung nakita ko kung sinong kasama nya habang hawak hawak yung papel na pinirmahan nilang dalawa, oo alam ko na fake lang naman yung pirmahan na yun pero yung makita ko si Justine na kasama si Lance. Punyeta! Gusto kong tumakbo papalayo.

"Okay na, tapos na pala sina Justine at Lance. Sayang gusto ko sanang tapusin yon kanina kaya lang sabi hanapin na daw kita at Ikaw ang next sa kanila ehhh." Himig panghihinayang nung nakahuli sakin.

Kung nasasapak kaya kita koya?

Bago kami nakalapit nang husto ay papaalis na si Justine at Lance.

"Eto na si Miss Vergara ng BS Archi." Sabi nung nanghuli sakin doon sa mga coordinator nila.

"Wala na, tapos na. Nag back out yung gustong makasal sa kanya." Paliwanag nung isang student

"Sorry Miss Vergara sa pangiistorbo, napag utusan lang naman ako." Sabi nung nakahuli sakin at tinanggalan na ko ng posas.

Wala akong nagawa. Hinayaan ko na lang at wala na din naman akong gagawin pa at hindi naman ako para magreklamo pa sa kanila.

"It's okay." Pagkasabi ko nun ay umalis na ko.

Anu to? Hinuli lang ako para makita ko yung pinaka ayokong makita sa lahat?

Putapete!

Bumalik na lang ulit ako sa booth namin ng wala sa mood pero pagbalik ko ay wala na doon si Mon, may bago na ding nakapwesto sa ticket booth.

Ang ganda ng simula nung araw ko pero bakit naman ganito pa kung kailan malapit nang maguwian. Jusq! Aattend pa ba ako para bukas ng Univ. week?

Tinawagan ko si Mon kung asan na sya, mabuti naman at sinagot nya agad. Nabanggit nya na nasa rest area silang dalawa ni Sandy.

Pagdating ko ay andun nga silang dalawa pero andun din si Justine.

Hays! Andun na naman sya, for once Justine. Lubayan mo naman muna ako, oo hinahanap hanap kita pero wag naman ngayon.

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now