Kabanata XXXV

581 27 21
                                    

Dedicated to wolfnicolet

Justine

"Monday na Monday ano namang problema mo ha Justine?" Tanong sakin ni Sandy habang nasa rest area kami dito sa campus.

"Badtrip ako kay Craye." Sagot ko tyaka ako dumikwatro sa inis.

Sinong hindi maiinis diba? After ng hindi namin pagkakaintindihan kahapon ay wala na talaga syang ginawa, nagintay ako pero wala.

"Aba kahapon lang ay okay pa kayo bago tayo maghiwahiwalay sa bahay nina Gianne diba?" Komento ni Sandy

"Hi po, Ikaw po si Miss Justine Robles diba po?" Sabi nung isang girl na lumapit sakin habang nakangiti

Tumango lang ako bilang sagot.

"Bakit mo sya hanap?" Singit naman ni Sandy

"Pinabibigay po sa inyo nang kuya ko." Sabi nya tyaka nya inabot sakin ang isang white paper na may nakaipit na isang stem na red rose tyaka ito umalis.

Hindi na ko nakapag thank you sa kanya kasi parang nahihiya sya at nagmamadali, kinuha ko ang rose na nakaipit tyaka ito inamoy.

"May secret admirer ka?" Naguguluhang tanong ni Sandy

"Yes." Sagot ko tyaka ko binuklat yung papel

Hi Lods

I think you are suffering from a lack of vitamin ME. 😅😅

-igop

I'll invite you to come here at quadrangle right now, pretty please.

"Huii pupuntahan mo?" Tanong sakin ni Sandy, binasa nya din pala

Sa badtrip ko kay Craye ay walang ano-ano'y tumayo ako sa pagkakaupo at pumunta agad sa quad.

Papasok pa lang ako sa quad ay naririnig ko na agad na may nagsstrum nang guitara.

Nasa gitna ito nang quad, suot nito yung gala uniform nila.

🎶Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y nagkasama
Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka n'ya
Siguro ay hindi n'ya lang alam ang 'yong tunay na halaga🎶

Kitang kita ko si Pres. Ram na nakangiti sa akin, may nag abot sa kanya nang isang bouquet.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga kaibigan ko mula sa malayo habang nanonood sa akin. Nakita ko din si Craye at kitang kita ko kung paano sya nasasaktan sa nangyayari sa akin na may isang tao na handa akong mahalin.

"Hi Justine." Sabi ni Ram at kumaway pa sa akin

"Go Pres."

"Kaya mo yan Ram!"

"Finally, pre!"

"Sabihin mo na."

Mga narinig ko sa kung sino sino at iba pang mga kantyaw at sigaw sa pagpupush at kilig sa amin ni Ram.

Una pa lang, alam ko na ang isasagot ko.

"Honestly Justine hindi ko talaga alam kung saan ako mag sisimula, pero sana pakinggan mo muna ako." Sabi ni Ram tyaka sya lumapit sakin at ibinigay yung bouquet.

"Hi, pasensya kana kung ang corny nung mga pa-quote ko kasi lately nakikita ko na malungkot ka kaya yun yung naisip ko para mapasaya ka." Sabi ni Ram kahit kita kong hiyang hiya sya. "Matagal na kitang gusto, sa sobrang tagal nga ngayon ko lang sinasabi sayo. Alam mo ba nung humingi ka nang favor sakin, nagla-lunch ako that time pero sabi mo iannounce ko yung about sa Univ. Week, gusto kong mainis kasi last spoon na yun nang kain ko binitin mo pa ko pero dahil malakas ka sakin, ginawa ko na. Remember din nung kinabukasan nagulat ka kasi Ikaw yung pinag announce ko sa lahat? Tanda mo ba inirapan mo ko but it's okay gusto ko lang talaga minsan magpapansin sayo." Pagbahagi nya nang kwento sakin

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now