Kabanata XL

622 25 17
                                    

Craye

It's been one week nung umalis sya sa university, walang kahit na anong paramdam galing sa kanya kahit sa GC namin. Madalas gusto ko syang tawagan para kamustahin pero hindi ko na tinutuloy.

"Craye." Tawag sakin ni Kylie, andito ako sa kanila para alagaan sya. 3 days na syang nakalabas ng hospital, tuwing 8pm ako nauwi sa bahay pag magpapahinga na sya. Weekend ngayon kaya medyo matatagalan ako sa kanila tonight.

"May kailangan ka pa?" Tanong ko sa kanya tyaka ko sya nilapitan, nakaupo lang sya ngayon sa sofa.

"Gusto kong pumunta sa pool area." Sagot nya sa akin

Agad ko syang inalalayan para makaupo sa wheelchair para makapunta kami sa pool area.

Pagdating namin doon ay tumingala si Kylie at tiningnan nya ko.

"How lucky I am na kasama kita ngayon, pero kung pagod kana pwede ka nang umuwi. Salamat sa pag aalaga mo, pwede mo na kong iwan dito tatawag na lang ako ng maid pag gusto ko nang pumasok." Sabi nya sa akin habang nakatitig sya sakin pero ngumiti lang ako.

"Sure ka ba na okay kana dito?" Tanong ko sa kanya dahil ayokong pabayaan na lang sya dito sa labas

"Sure ako Craye, wag mo na kong alalahanin. Mag iingat ka sa pag-uwi mo ha." Sabi sakin ni Kylie

Tumango ako bilang sagot tyaka ko sya hinalikan sa noo at bago ako nagpaalam sa kanya.

"Lagi na lang akong may halik Lola galing sayo." Natatawa nyang sabi sakin kaya natawa na din ako.

Umalis na ko sa bahay nila, ayoko pang umuwi. Hindi rin naman ako makakatulog nang maaga, nakapag dinner na din naman ako kina Kylie kanina.

8:38pm habang nag mamaneho ako nang kotse kong dala. Napatingin ako sa passenger seat, sobrang miss ko na yung taong gusto ko laging katabi ko sa kotse ko.

Naisipan kong mag drive thru kahit medyo busog pa, namiss ko kasi yung smoothie at mojos na pinakain sakin before ni Justine habang andito kami sa kotse ko noon.

After ko mag order ay tumigil muna ako sa isang tabi nang kalsada.

Napaka swerte ko nang mga araw na yon, mga araw na hirap na hirap na kong balikan pa sa ngayon.

Nag sip ako ng smoothie, ganon pa din yung lasa. Sobrang sweet pa rin kagaya ni Justine, kumuha din ako nang mojos para kainin ito.

Napatawa ako nang pagak sa isiping dati lang may nagpapaakain pa sa akin nito habang nag ddrive ako.

Itinabi ko muna yung smoothie at mojos then inistart ko na yung engine para mag drive muli. I don't know kung saan ako pupunta pero habang nag ddrive ako nakita ko na lang ang sarili ko na binabaybay ko na ang daan papunta sa bahay nina Justine.

Tumigil ako sa medyo kalayuan pero kita ko pa naman ang bahay nila.

3, 5 hanggang sa umabot ako nang 10 minutes na nakatigil lang doon.

Nakita ko na may kotse na paparating, hindi kotse ni Justine pero hindi din kotse ni Maice.

Tumapat ito sa mismong bahay nina Justine, may bumaba sa driver seat at laking gulat ko nang makilala kung sino yung taong yun. No other than, SSC President Ram pumunta ito sa passenger side para buksan ang pinto. As expected si Justine ang sakay nito pero ang makita ko silang magkasama ang hindi ko ineexpect na mararamdaman ko. Sobrang sakit, na ako yung pinili ni Justine over Ram before pero ngayon sila na yung magkasama.

Kumabog nang malakas yung puso ko sa sobrang takot, naalala ko bigla ang lahat nang sinabi ni Ram sa akin nung nakaraan. Hindi ko mapigilan ang mainggit sa kanya ngayon, napaka swerte nya.

Once in a lifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon