YOU ARE MY EVERYTHING

1K 31 22
                                    

[PROLOGUE:]

I was running to escape her. Hinahabol ako ng isa sa mga naging babae ko, ni hindi ko na nga maalala kung ano ang pangalan nito.

Nagsawa na ako sa kaniya kung kaya nakipaghiwalay na ako. Pero ito ngayon ang babae at hinahabol ako dahil gusto raw nitong makipag-balikan.

Lumiko ako sa isang iskinita para iligaw siya. Nang mawala na siya sa paningin ko ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.

"Whoah! Mahirap pala talaga ang maging isang gwapo," mahinang bulong ko.

Naglakad na ulit ako pabalik kung saan ang dinaanan ko kanina. Natigilan ako sa paglalakad ng may makita akong babae. Nakatalikod ito sa deriksyon ko kung kaya hindi ko makita ang mukha at itsura niya. Naglakad ako palapit sa kaniya, akmang tatawagin ko na siya ng magsalita siya.

"Wala na naman akong silbi! Palagi na lang! Pagod na pagod na ako, wala pa rin akong silbi!" rinig kong sabi niya, kinakausap ang sarili. Natigilan ako dahil parang umiiyak kasi ito dahil sa tono ng kaniyang boses.

"Hey Miss, may prob-?"

"Ay pulang kabayo!" muntik na itong mapatalon dahil sa gulat. Hindi ko rin natapos ang pagtatanong ko dahil sa nagulat siya.

Nangunot ang noo ko, "Excuse me?" tanong ko.

Humarap ito sa akin, "Dadaan ka?"

Napatitig ako sa mukha niya, umiling ako. "No. Are you crying?" pagtatanong ko.

"Hindi." sagot nito, sinungaling! Namumula ang mga mata nito at halatang kagagaling lang sa pag-iyak.

"Saan ka pupunta? Maggagabi na," pag-iiba ko ng usapan.

"Wala kang pake! Hindi kita kilala, kung makatanong ka akala mo kung sino ka!" biglang nagbago ang mood nito.

"I'm just asking. By the way, I'm Ethan Ramirez. How about you Miss?" pagpapakilala ko at inilahad ang kamay.

Tinignan nito ang nakalahad kong palad, "Hindi ko basta basta ibinibigay ang pangalan ko sa kung sino lang." anito, nakaramdam naman ako ng kaunting pagkairita.

"Hindi ganoon kaimportante ang pangalan mo babae," hindi ko na naitago ang pagkainis sa boses ko.

"Importante 'yun Mister, tinatanong mo nga hindi ba?!" sarkastikong tanong nito bago ako tinalikuran. Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya.

Napakunot ang noo ko ng tignan ko kung nasaan siya ay wala na siya at hindi na siya mahanap ng paningin ko. "Where is she?"

Ang bilis naman niyang maglakad at bigla siyang naka-alis.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon