KABANATA 9

387 19 58
                                    

CHAPTER 9

'Shero May P.O.V'

Hindi pumasok si Marla, dahil day off nito ngayon samantala ay day off ko naman bukas. Kung kaya mag-isa lang akong nag-sara ng lugawan, pagkatapos kong mai-lock ay tsaka na ako tumalikod at naglakad paalis.

Hindi pa man ako nakakalayo ay nahagip nang paningin ko ang isang kotse, kilalang kilala ko kung kaninong sasakyan ito.

Tsk, bakit ba napakatigas ng ulo nang lalaking 'yon. Hindi marunong makinig. Naglakad ako palapit doon, kinatok ko ang bintana ng sasakyan, tapat ng driver seat.

At kagaya noong nakaraan ng buksan nito ang bintana ay halatang naalimpungatan lang at nagising lang ng kumatok ako.

"Bakit ba hindi ka marunog makinig Ramirez?" Seryoso at madiin kong tanong sa kaniya.

"Ayaw kong makinig." Sagot nito, "gaya ng sabi ko. Gagawin ko ang gusto ko at ang gusto ko ay sunduin ka. Anyway, you look so tired. Kumain ka na ba?"

Natahimik ako sa naging sagot at tanong nito bago tumango. "Okay, pasok ka na dito sa loob. Dadaan tayo sa jollibee, sumunod ka na lang Shero. Huwag matigas ang ulo." Nangangaral nitong wika na dapat ay sundin at hindi mo pweding suwayin.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa sinabi niya, umikot ako para pumasok sa loob ng sasakyan.

"Ikaw kumain ka na ba? At alam mo ba kung anong oras na? Alas-onse na, ano na lang ang sasabihin ng magulang mo sa'yo? May pasok pa bukas, ano sa tingin mo ang mangyayari sa katawan mo? Alam mo Ramirez, sinasayang mo lang ang oras mo sa akin." Pagkapasok ko pa lang sa loob ay nagsimula na akong magsalita, hindi ko maiwasang hindi ito pagsabihan at bungangaan, napakatigas ng ulo nito at hindi marunong makinig.

"Hindi pa ako kumain-." Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya.

"Kita mo, anong oras na hindi ka pa kumakain? May saltik ka ba-." Ako naman ang naputol ang sasabihin dahil sa pagsabat niya.

"At alam ko kung anong oras na." Pagpuputol nito.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya. "Huwag mo akong pinipilosopo."

Marahas itong bumuntong hininga. "Hinintay kita at dahil iyon ang gusto ko. Oo at hindi pa ako kumakain dahil gusto kong hintayin ka at gusto kong sumabay sa'yo dahil alam kong hindi ka pa kumakain. Iniisip mo kung ano ang mangyayari sa akin sa paghihintay ko sa'yo pero hindi mo naman iniisip kung ano ang mangyayari sa katawan mo dahil sa gabi-gabing pagtra-trabaho mo. Now, let me help you and don't arain."

Napatanga ako sa sinabi niya at natahimik, hanggang sa buhayin niya ang makina ng sasakyan at magmaneho paalis. Natahimik ako sa biyahe, ano bang nangyayari?

Nagdrive-thru kami sa jollibee. Siya ang kumausap sa crew ng jollibee at sinabi ang order, gusto kong umangal dahil sa dami ng mga pinamili niya ngunit titignan lang ako nito at pandidilatan ng mga mata.

Napakagat ako sa ilalim ng pisngi ko dahil sa pag-pipigil ng inis. Bakit ba wala akong magawa? Bakit ba wala akong laban? Hindi ako maka-angal?

Pinag-krus ko ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko at tumingin sa labas ng bintana. Wala akong maintindihan, bakit ko ba siya hinahayaang gawin 'to? Dapat ay sinuntok o sinipa ko na siya para lumayo sa akin pero heto ako at gumagawa ng paraan para lang makasama siya.

Hinihintay namin ang order, pareho kaming naging tahimik sa loob ng sasakyan. Mula sa gilid niya ay may kumatok na crew ng jollibee dala ang paper bag na may lamang order.

Pagkabukas ng bintana ay bumungad ang crew. "Two Jolly hotdog classic, two-pc chicken joy with jollibee spaghetti, two sunday ice cream, and two ice tea. Thank you Sir, have a nice meal!" Nakangiting bungad ng crew at iniabot kay Ramirez ang paper bag na may lamang mga orders.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon