KABANATA 16

311 14 77
                                    

CHAPTER 16

'Shero May P.O.V'


Naghihintay ako sa magiging sagot nito, malakas at naghuhurumintado sa pagtibok ang puso ko. Gusto kong bawiin ang tinanong ko, ngunit hindi na pwedi dahil nasabi ko na.

"Am I really awake?" Mahina nitong tanong na tila sa sarili lang tinatanong. "Ganito ba ang nangyayari sa nilalagnat, nagdidileryo?" Mahina ulit nitong tanong na animong walang kasama.

Nagsalubong ang kilay ko. "Ano bang pinagsasabi mo? Tinatanong kita, iba naman ang sinasabi mo."

Napakurap-kurap ito bago napatingin sa akin. "You're real?" Tumango ako sa tanong nito, tila hindi talaga ito makapaniwala. Maiksi ang pasensiya ko at hindi ko na maiwasang hindi makaramdam ng inis.

"Ano bang kailangan kong gawin ng maniwala ka, na totoo ako?" Magkasalubong ang parehong kilay kong tanong sa kaniya.

"Kiss me, once you kiss me it means you're real." Anito sa mahina at paos na boses.

Tsk, walang pag-aalinlangan kong tinawid ang ilang dipang pagitan namin at inilapit ang labi ko sa labi niya. "Anong klaseng halik ang gusto mo?" Ngumisi ako, lapit na lapit ang labi naming pareho, ramdam ko ang pagkatulos nito sa kinatatayuan. "Kagaya ba ng sa kung paano ka halikan nang malanding babaeng 'yon?"

Dahil sa tanong bahagya itong lumayo sa akin. "It's misunderstanding, Shero. Alam kong nagkamali ako, but please babe. Forgive me."

"Gusto mong patawarin kita?" Tanong ko, agad itong tumango. "Sagutin mo ang kanina ko pang tanong."

"You don't need to ask me that question, Shero. Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko para sabihing mahal kita?" Marahan niyang tanong at sinapo ang mukha ko.

"Pero wala kang sinabing mahal mo ako. Hindi sapat para sa akin ang puro gawa, hindi ako manghuhula Ethan, babae at tao ako." Mahinahon kong pagkausap rito, napakainit ng palad nito na dumadapo sa pisngi ko.

"Natatakot ako, iyon ang totoong dahilan kung kaya hindi ko sinasabi sa'yo. Forgive me babe, please? A hours and days without you, fills like a empty feeling of me." Gamit ang isang braso nito, ipinalibot niya iyon sa baywang ko at marahan akong hinapit. "Mahal kita, I love you. Mahal na mahal kita."

Ibubuka ko na ang bibig ko upang magsalita sana ngunit ang sasabihin ko ay naiwan sa isip ko dahil sa sunod nitong ginawa, ang pagbuka ng bibig ko ay ginamit niyang pagkakataon upang sakupin ang labi ko.

Mahina akong napadaing dahil sa pagkagat nito sa labi ko, mas hinapit niya ang baywang ko at mas inilapit ako sa kaniya. Napakainit ng kaniyang hininga na tumatama sa bibig ko.

Ikinawit ko ang parehong braso sa kaniyang leeg at nakipaglaban ng halikan sa kaniya, kailanman ay hindi ako nagpatalo at kahit sa kaniya ay hindi ko hahayaang matalo ako.

Pareho kaming naghahabol ng hininga nang huminto, tumingin siya sa mga mata ko. Nakakatakot harapin ng mga mata niya, dahil nakakatakot na makita ang ibang emosyon roon.

"Now, ako naman ang magtatanong. Mahal mo ba ako? Do you love me?" Seryoso ngunit nandoon ang pagiging maingat nitong tanong, nasa mga mata nito ang kagustuhang malaman ang sagot.

Napalunok ako at umiwas ng tingin. "Look at me," Utos niya, dahan-dahan kong ibinalik ang tingin sa kaniya. "And answer me."

"Paano kung-"

"Answer me." Pagpuputol nito sa sasabihin ko.

"Mahal kita, mahal rin kita. Pero natatakot ako, natatakot ako na baka sa huli ako lang ang masaktan at maiwan." Mahina kong wika ngunit sapat para marinig nito ang sinabi ko.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon