KABANATA 12

370 16 84
                                    

CHAPTER 12


'Shero May P.O.V'


Lumipas pa ang ilang araw mas naging malapit sa akin si Ethan. Wala akong magawa para palayuin ito, may magagawa ako ngunit hindi ko magawa sa hindi malamang dahilan. Ginulo na niya ako, ginulo na niya ang sistema ko.

Sinira niya ang depensang ginawa ko, wala na akong magagawa. Hindi niya ako tinitigilan, oras oras ay magkasama kami.

Katulad na lang ngayon, araw ng linggo at magkasama kami sa loob ng church. Ito ang nag-aya at sumundo mismo sa tapat ng bahay namin. Mabuti na lang talaga at lakwat-tsera ang mga magulang ko at walang nakakita sa kaniya maliban sa mga tsismosa naming mga kapit bahay.

Nang matapos ang preaching ay sabay kaming tumayo. "Saan mo gustong pumunta pagkatapos natin dito?" Pagtatanong nito, nakisabay kami papalabas sa mga tao.

"Sa bahay, ihatid mo na ako." Tipid at walang buhay na boses kong wika sa kaniya.

Hindi na ako nagulat nang akbayan ako nito. "Shero, it's sunday today. Tutal tapos naman na tayong nagsimba, pwedi na tayong lumabas."

"Nasa labas naman tayo." Tumingin ako sa kaniya ng makalabas na kami sa loob ng church, umismid ito at tinanggal ang pagkakaakbay sa akin.

"I'm serious. Sige na, lumabas naman tayo. Mag-date tayo." Pangungulit nito ayaw tumigil ang ilan ay napapatingin sa amin, napabuntong hininga ako at sinuntok siya sa tiyan. "Ouch! Bakit ka ba nanununtok?!" Napapadaing nitong reklamo.

"Ayan, halika na. Kumain na tayo sa labas." Wika ko at hinila ko na ito, ayaw kong makapag-salita ng hindi maganda kung kaya para mapakalma ang sarili ay sinuntok ko siya, hindi naman masakit, hindi natamaan ang atay niya.

Huminto kaming pareho sa tapat ng sasakyan niya. "Pagbuksan mo ako ng pinto." Utos ko, hindi ako nito pinansin bagkus ay naglakad lang ito at pumuntang driver seat akmang bubuksan na nito ang pinto ng driver seat nang tawagin ko siya.

"Woii! Wala ka bang naririnig?" Angil ko.

"May kamay kang pinagsuntok sa akin kung kaya may kamay ka ring magbubukas ng pinto." Ismid nito, napamaang ako ng tuluyan na itong pumasok sa loob ng sasakyan at sarhan ako.

Saglit akong napakurap-kurap bago binuksan ang pinto ng passenger seat at pumasok sa loob. "May problema ba?"

"Wala." Pagalit nitong sagot, napaatras ako ng bahagya.


"Anong wala? Bakit parang galit ka? Anong problema?" Kunot ang noong tanong ko.

"Nananakit ka kasi. Hindi ka man lang ba naaawa? Sinuntok mo ang tiyan ko, nandoon ang abs ko. Ano na lang ang masasabi mo kung may mangyari na sa atin sa hinaharap? Paano kung nasaktan ang abs ko at magtampo?" Pagpapalatak nito, halatang iritado at nagtatampo. Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwala sa narinig mula sa kaniya.

"Anong sinabi mo? Kung sakaling may mangyari sa- ano?" Literal na nanlaki ang mga mata ko, mawawalan ako ng ulirat dahil sa lalaking ito.

"Sa haba ng sinabi ko iyon lang ang naintindihan mo?" Napakunot ang noo niya, napa-iwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.

"Oo, iyon ang nakakuha ng atensyon ko, e." Mahinang sagot ko. Mabilis akong napalingon sa kaniya ng marinig ko ang pagpipigil nitong tawa, pinanliitan ko siya ng mga mata.

"Hindi ako tatawa, sa nakikita mo pinipigilan ko ngang tumawa." Supil ang ngiti sa labi nitong sabi. Akmang hahampasin ko siya ng mabilis niyang sinalag ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kaniya, napakurap-kurap ako habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mga mata niya, ito na naman ang puso ko na hindi mapakali sa pagtibok.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon