KABANATA 5

507 21 72
                                    

CHAPTER 5


'Shero May P.O.V'



"Pwedi bang tigilan mo ang kakasunod sa akin?" Seryosong wika ko at tinignan siya. Uwian na at naglalakad na ako palabas ng paaralan ngunit huminto ako nang maramdamang may sumusunod sa akin.

Nalukot ang mukha nito. "Paano mo nalamang sinusundan kita? May mata ka ba sa likuran?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya. "Anong kailangan mo at bakit mo ako sinusundan?"

"Sabay na tayo, ihahatid kita." Aniya, umiling ako.

"Hindi ako makikisabay. Tigilan mo ang kakasunod sa akin." Seryosong sagot ko at tinalikuran na siya bago naglakad ulit.

Nakahinga ako ng maluwag nang naramdamang hindi na ako nito sinusundan, mabuti naman.

Ano ba ang kailangan niya at palagi na lang siyang sumusulpot? Napangisi ako ng maalala ang narinig ang mga sinabi kanina ng mga kababaihan, isa siyang babaero at baka ako lang ang next target niya kung kaya ay nilalapitan niya ako.

Napailing-iling na lang ako at naghintay ng masasakyan. Dederitso na ako ng lugawan at hindi na uuwi nang bahay. Natigilan ako sa paghihintay ng may humintong sasakyan sa mismong harapan ko, pamilyar ito.

Bumukas ang bintana ng passenger seat at bumungad sa akin si Ramirez, bumungad ang nakangiti nitong mukha. "Hop in, babe."

"Ilang beses ko bang sasabihin? Hindi ako makikisabay sa'yo." Matigas kong sabi at may diin ang bawat salita. Hindi niya iyon pinansin bagkus ay sinenyas niya pa ang kamay niya na sinasabing pumasok na ako sa loob at ng makaalis na kami.

Matalim ang mga matang ipinukol ko sa kaniya. "Hindi ako makikisabay sa-."

"Just hop in, Shero. Makisabay ka na." Pag-uulit nito, desidido. Walang balak umalis hanggat hindi ako pumapayag na makisabay.

Malalim akong napabuntong hininga bago umikot at pumasok sa loob at umupo sa passenger seat. "Okay na?" Sarkastiko kong tanong, tumango lang ito at ngumiti.


"Where should I drop you?" Tanong nito kalaunan habang nasa biyahe kami.

"Diyan sa bayan, sa may lugawan." Deritsong sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana, maraming mga sasakyan at traysikel, traffic.

"Bakit doon? Saan ba ang bahay mo?" Sunod sunod na tanong niya, nilingon ko ito at nakitang nakakunot ang kaniyang noo at saglit akong nilingon dahilan para magtama ang pareho naming mga tingin.


"Doon ako nagtratrabaho." Sagot ko at tumingin ulit sa labas.

"Nagtratrabaho ka?" Bakas ang gulat sa boses nito.

"Kailangan ko pa bang ulitin?"

"Nagtatanong lang, bihira ang estudyanteng nagtratrabaho." Kumento nito, tumango lang ako.

"Kung kaya mo lang ako sinusundan at ginugulo dahil gusto mong isama ako sa isa sa mga naging babae mo, layuan mo na ako dahil wala akong oras para sa'yo." Pangbabasag ko sa katahimikan naming pareho at seryoso siyang tinignan.

Nilingon niya ako saglit. "It's not what you think. Kaya kita sinusundan dahil gusto kong mas mapalapit sa'yo. I want to be friends with you, and that's all. Maliban na lang kung pumayag ka na maging kasintahan ako." Humina ang boses nito sa huling sinabi.

"Duda ako, sa gusto mo lang na makipag-kaibigan sa akin." Pinasadahan ko siya ng tingin, "ang mga kagaya mo ay hindi kuntento sa kaibigan lang, tama ako hindi ba?"

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon