SPECIAL CHAPTER

665 30 65
                                    

SPECIAL CHAPTER

'Ethan Ramirez P.O.V'


I thought letting go someone you love is easy. Buong akala ko ay madali lang kasing dali nang kung paano ko iwan ang mga babaeng nagdaan sa buhay ko. Ngunit hindi, hindi pala ito kasing dali ng inaakala ko.

Noong gabing tapusin ko ang relasyon naming dalawa, noong gabing maghiwalay kami ay ang gabing tinapos ko ang lahat. That night I feel so lifeless, I feel so empty. Buhay ako ngunit sa loob ko ay patay na ako.

Kinaumagahan no'n ay gusto akong papuntahin nang lolo ko sa America para doon mag-aral at magbagong buhay sa pag-aakala ako pa rin ang dating Ethan.

Ayaw kong umalis at desidido akong huwag umalis. Dahil gusto ko siyang balikan at suyuin, gusto kong sabihin na nabigla lang ako, gusto kong sabihin na mahal ko siya, gusto kong sabihin na napagod lang ako ngunit ayaw ko siyang mawala.

Naki-usap ako sa kakambal ko na siya na lang ang pumalit sa akin upang pumunta nang America, noong una ay ayaw nitong pumayag ngunit nagmakaawa ako na siya na lang dahil kailangan kong manatili rito.

Umalis ako no'ng araw na 'yon upang puntahan si Shero sa kanilang bahay, ngunit walang Shero ang nadatnan ko sa bahay nila, wala siya roon.

Hinanap ko siya halos buong araw ko siyang hinanap sa kahit saan, sa lugawan, sa palengke, sa school ngunit ni isang bakas niya ay wala. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin.

Gabing-gabi na nang makauwi ako sa bahay, mas dumoble ang pagod na nararamdaman ko. Kusang pumatak ang mga luhang tanging siya ang dahilan ng pagtulo.

I wasn't just mentally drain I was also physically drain.

Maling-mali ang sukuan siya, maling-mali ang mapagod. I admit that I did stop loving her, huminto ako dahil napagod ako. Ngunit ang iwan siya ay mas nakakapagod sa pakiramdam.

Mahigit limang taon ko siyang hinanap ngunit ni isang balita sa kaniya ay wala akong nahanap, lumipas pa ang isang taon my twin brother called me at the middle of the night.

May dala itong balita, akala ko ay isa itong kalukuhang gawa-gawa lamang niya ngunit hindi, hindi siya nagbibiro o nagloloko. Totoong nakita nito si Shero and they even talk to each other.

Hindi ko maiwasang hindi matuwa dahil sa balitang nalaman ko, after five years may nahanap na rin akong balita tungkol aa kaniya, makikita ko na ba siya?

Nakakatuwang sabihin na tumawag kaagad ako sa Airport na pagmamay-ari namin at ipinahanda ang private chopper, at mismong si Dad ang nag-piloto ng chopper upang ihatid ako nang France.

Hindi ko maintindihan kung bakit ngunit hindi na nagtanong ng marami si Dad ng sabihin ko 'yon sakaniya ay agad siyang pumayag kahit hindi ko pa man nasasabi ang dahilan at ang pakay ko sa France.

When the chopper landed ay agad akong bumaba, naghihintay na si Evan sa labas upang sunduin ako.

Inihatid ako ni Evan sa tapat ng isang kilalang university dito sa France, ang tanging sinabi niya lang ay hintayin ko raw ito dito. And exactly that day is their graduation.

After an almost half of hours of waiting I finally saw her, nakasuot ito ng kulay itim na toga. Kasama niya ang pamilya niya, ang totoong pamilya niya. Her family was happy but when I look at her eyes I can see clearly the sadness of hers.

Gusto kong lumapit sa kaniya, gusto kong ihakbang ang mga paa ko papalapit sa kaniya ngunit hindi ko magawa, I stay still while standing and looking at her. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya, gusto kong sabihin na patawad kasi pinalaya ko siya.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon