KABANATA 7

436 15 74
                                    

CHAPTER 7

'Shero May P.O.V'


"Dito na." Wika ko at ipinahinto ang sasakyan niya, hindi kalayuan sa bahay namin. "Doon lang ang bahay namin, dito na." Ulit ko.

Tumango ito. "Dito ka nakatira?"

"Hindi ba halata? Ipapahinto ko ba ang sasakyan kung hindi?" Tanong ko na puno ng sarkastiko.

"Nagtatanong lang, ang bahay naman namin ay sa kabilang baranggay lang." Wika nito na para bang wala lang ang sinabi ko.

Tumango ako. "Hindi ko naman tinatanong. Sige, bababa na ako. Sa susunod huwag mo na akong hintayin, huwag matigas ang ulo Ramirez." May pagbabantang sabi ko.


Ngumisi ito. "Gagawin ko kung ano ang gusto ko Shero, susunduin at hihintayin kita kung iyon ang gusto ko."

Ikinalma ko ang sarili ko. "Bakit ba ang kulit mo?"

"Dahil gusto ko." Tipid at mahangin nitong sabi.

Bumuntong hininga ako, hindi ko kinakaya ang kakulitan nito dahil higit sa lahat ayaw ko sa mga taong makukulit.

"Aalis na ako." Paalam ko at binuksan ang pinto ng passenger seat at bumaba. "Salamat sa paghatid."

Dahil sa sinabi ko ay automatiko itong ngumiti. "You are welcome babe."

"Tsk, mag-iingat ka sa biyahe." Iyon lang at isinara ko na ang pinto ng passenger seat, tinapik ko pa ang sasakyan niya bago tuluyang naglakad palayo papuntang bahay namin.

Hindi ko alam kong paano ko siyang napapakitunguhan sa bawat araw na nagkikita kami, sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakilala ng lalaki ubod ng kulit ngunit babaero naman.

Napapailing akong napangiti sa hindi malamang dahilan, hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya kanina. Bakit ba namam kasi ay napakatigas ng ulo nito at hindi marunong makinig.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at isinara ito pagkapasok bago dumeritso sa sariling kwarto. Hinubad ko ang sapatos na suot at humiga sa kama.

Napatingin ako sa kisame bago napakurap-kurap. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit pagdating sa kaniya ay humihina ang depensa ko? Samantalang kakikilala pa lang naman namin noong nakaraan.

Malalim at marahas akong bumuntong hininga. At ano ba ang ibig sabihin ng nangyari sa akin kanina? Bakit ko 'yon nararamdaman sa kaniya? Bakit lumalakas ang tibok ng puso ko sa kahit simpleng paghawak at pagtawag niya sa pangalan ko?

Nakatulog ako ng naguguluhan at siya ang laman ng isip, hindi ko alam kung ito ba ay makabubuti sa akin o hindi. Kung anong klase mang pakiramdam ito, ayaw ko itong maramdaman kung ito lang rin ang magiging dahilan ng ikasisira ko.

Kinaumagahan nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok na nagmumula sa labas ng pinto nang kwarto ko. "Shero, gumising ka na. Magsisimba pa tayo." Boses iyon ni Kuya.

Hindi ako sumagot o nagsalita, tumayo ako at naglakad papuntang pinto at binuksan iyon. Pagkabukas ko ay tinanguan ko lang ito, ayaw kong magsalita dahil pakiramdam ko ay mabaho ang hininga ko.

"Mag-ayos ka na, bago tayo kumain." Bilin nito bago umalis. Isinara ko ulit ang pinto. Kinuha ko ang pang-ipit ng buhok na naka-kawit sa kamay ko at binungkos papusod ang buhok ko.

Inayos ko ang magulong higaan bago kumuha ng damit na isusuot sa kabinet at inilatag sa higaan bago lumabas ng sariling kwarto at dumeritso ng kusina.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon