KABANATA 15

299 18 56
                                    

CHAPTER 15

'Third Person's P.O.V'

Napangisi si Shero nang mapansing may ilang kalalakihan ang umaaligid malapit sa gate ng university na pinapasukan niya, mukhang tinutoo nga ng mga ito ang sinabi niya kahapon, naging uto-uto naman ang lalaki. At heto ang mga ito, inaabangan siya.

Taas noo siyang nagpatuloy sa paglalakad na para bang walang napansin, nakisabay siya sa mga kapwa estudyanteng naglalakad palabas. Ngunit tila aso ang mga nag-aabang sa kaniya, dahil naamoy nang mga ito ang pakay. Napangisi siya, matagal-tagal na rin simula noong maiunat niya ang kaniyang mga buto-buto.

Lumihis siya ng daan nang makalabas na sa university kung saan hindi gaano karami ang dumaraan, ramdam niya ang pagsunod ng higit sa limang mga kalalakihan sa kaniya, ngunit siya ay nananatiling kalmado at tuloy sa paglalakad.

Nginuya niya ang bubble gum na nasa bibig habang naglalakad, wala nang dumaraang tao sa pwestong kinaroroonan nila at doon lang nagsalita ang mga kalalakihang sumusunod sa kaniya.

"Papunta na rito sina boss. Huliin niyo na 'yan at bugbugin kung manlaban." Rinig niyang wika ng isa sa mga ito.

Tumigil si Shero sa paglalakad at hinarap ang mga ito. "Huwag na kayong magbulong-bulongan diyan. Para kayong mga bubuyog na nakakita ng pagkain." Nakangisi at tila nang-aasar niyang wika sa mga ito, dahilan para magalit ang mga ito.

"Anong sinabi mo?" Bakas ang galit sa boses na sabi ng isa, ang limang ito ay pamilyar sa kaniya, sayang lang dahil wala rito ang isa sa kamutikan na niyang mabalian ng buto noong araw na 'yon kakamustahin niya sana.

"Kailangan ko bang ulitin? Ganoon ba kahina ang pandinig mo?" Kalmadong tanong niya sa walang emosyong mukha.

"Aba't napakayabang mong babae." Mabilis siyang sinugod nito at inatake ngunit umilag siya para hindi mataamaan ng suntok nito. Sana nga ay kaya rin niyang iwasan ang pag-ibig kagaya ng sa kung paano niya iwasan ang suntok ng kalaban.

Hinawakan niya sa siko ang lalaki at gamit ang isang kamay ay sinuntok niya ito sa mukha at tinuhod ito sa parteng gitna kung nasaan ang pagkalalaki nito. Mga manloloko, dapat sa inyo ay sinisipa ang kinaiingat-ingatan, hindi makuntento sa iisa. Napatiim bagang siya ng maalala ang nangyari at nakita kahapon.

Namilipit at malakas na napadaing ang lalaki, sinipa niya ito sa tiyan dahilan upang tuluyang matumba habang namimilipit pa rin sa sakit.

Tumingin siya sa apat. "Dalian mo tawagin mo sila boss, dali." Rinig niyang nagmamadaling utos ng isa sa mga kalalakihan sa isang kasamahan.

"Ano ba? Huwag mong sabihing natatakot ka diyan sa babaeng 'yan." Singhal ng isa sa kasamahan nito at matalim ang mga matang ibinaling sa kaniya, nginisihan niya ito na para bang nanghahamon.

Pinatunog niya ang dalawang kamao kung kaya lumagatok ang ilang mga buto niya, gusto niyang hamunin ang lalaki kung hanggang saan ang kaya nito. Itinago niya ang ngisi ng makitang ginaya rin siya ng lalaki ang kaso nga lang at pinagkaiba ay hindi tumunog ang mga buto ng lalaki sa kamay.

Bakas ang inis sa lalaki dahil sa pagkahiya. "Walang sinabi si boss na hindi natin siya pweding saktan." Pagkasabi no'n ng lalaki ay mabilis rin siya nitong sinugod kagaya ng ginawa noong isa.

Sinalag niya ito gamit ang kaliwang kamay at gamit ang kanang kamay ay sinuntok niya ito sa sikmura, binitawan niya ito at mabilis na sinipa sa leeg.

Napatayo siya ng tuwid nang makarinig ng malalakas na yabag, hindi lang iisang tao ang paparating, sa hinuha niya ay marami. Alanganin, iyon ang nasa isip niya.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon