KABANATA 6

467 15 55
                                    

CHAPTER 6


'Shero May P.O.V'


"Hindi mo naman ako kailangang isama. Hindi tuloy ako nakapagtinda ng isda sa palengke." Mahinang untag ko sa kaniya.

"Shero, bukas na ang alis ko. Ngayon lang ako makakabawi sa'yo hayaan mo na ako." Sagot ni kuya.

Bumuntong hininga ako. "Linggo bukas, hindi mo man lang ba ako sasamahang magsimba bukas ng umaga?" Pagtatanong ko, nananatiya kung dapat ko bang itanong 'yon.

Nilingon ako nito at inakbayan. "Magsisimba muna tayo, bago ako umalis pabalik ng Macau."

Tipid lang akong tumango, nandirito kami ngayon sa mall isinama niya ako para daw makapasyal kami. Ito raw ang bawi nito sa akin sa ilang taon niyang pagkawala simula noong nagtrabaho siya sa Macau.

Si Kuya Gelo ang tanging taong alam ko na kakampi ko, ito ang tagapag-tanggol ko kina mama at papa noon sa tuwing pinagagalitan ako at pinapalo dahil sa isang kasalanan na hindi ko alam kung ginawa ko ba o hindi. Ngunit ngayon, hindi na niya ako kailangang ipagtanggol pa dahil kaya ko na ang sarili ko.

"Hindi ba muna tayo kakain?" Tanong ko ng huminto kami sa isang clothing shop.

"Hindi na muna, bumili muna tayo ng damit." Anito, tumango lang ako at sumunod sa kaniya papasok.

Ang clothing shop na ito ay nahahati sa dalawa, damit na para sa mga babae at damit naman na para sa mga lalaki.

"Pumili ka nang sa'yo ako na ang magbabayad." Mabilis akong umiling sa sinabi nito.

"Sayang sa pera, huwag na lang kuya. Marami pa akong mga damit sa bahay, hindi na kailangang bumili." Tanggi ko, sayang ang pera na ipangbibili namin.

"Hindi sayang, dahil sa'yo naman mapupunta at gagamitin mo rin naman. Kaya sige na, kumuha ka na ng damit na magugustuhan mo at ako ang magbabayad." Pagpupumilit nito wala akong nagawa kundi ang pumayag, ito ang palaging panalo. Bumuntong hininga ako ng iniwan niya ako at naglakad ito papunta sa mga damit na pang-lalaki para pumili rin ng kaniya.

Bahagya akong sumimangot habang naghahanap ng damit. Masyadong pangbabae ang mga damit na nandito.

"Yes, Ma'am. Ano po hanap niyo?" May lumapit sa akin na sales lady.

Nilingon ko siya. "May over size shirt ba kayo?" Tanong ko.

Umiling ang babae. "Wala po Ma'am, tanging mga ganito lang po ang mayroon. Sexy t-shirt."

Bahagya akong napangiwi at tumango bago tinalikuran ang sales lady, ayaw kong makipag-usap dito nakakaasiwa ang ngiti niya.


Pumunta ako sa damit ng mga panglalaki at doon pumili ng mga damit na gusto ko. Tatlo ang napili ko na talaga nga namang nagustuhan ko.

Lumapit sa akin si Kuya. "Bakit dito ka kumukuha? Bakit hindi doon sa mga pangbabae, panglalaki rito."


"Ito na kuya, kumportable ako dito kesa doon na akala mo ay kinulang sa tela ang mananahi." Ismid ko at nangunang naglakad patungong casher.


Inilapag ko sa tapat ng casher ang mga damit na pinamili ko at hinayaan si Kuya na magbayad nito, lumabas kami ng clothing shop pagkatapos pumili at bumili ng damit.

"Sa karinderya na lang tayo kumain." Mahinang wika ko habang sabay kaming naglalakad.

"Hindi na, dito na lang sa fast food chain." Tanggi nito, nilingon ko ito.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon