KABANATA 23

327 14 53
                                    

CHAPTER 23

'Shero May P.O.V'

Madaling araw na ng makauwi ako kagabi, sinamahan ako ni Ethan hanggang sa maging maayos na ako. Lahat ng bigat sa dibdib ko kagabi ay ibinuhos ko sa kaniya, iniyak ko lahat sa kaniya. Para akong isang musmos na bata na nagsusumbong sa kakampi dahil inaway ako.

At kaninang  umaga ay mas maaga akong nagising sa pangkaraniwang kong paggising, maaga rin akong pumasok. Ayaw ko silang harapin, ayaw kong harapin ang pamilya ko. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila ako dahil sa lihim na ginawa nila sa akin.

At ngayon ay nandirito ako sa lugawan, nagpaalam na ako kay Aling Betty na maaga akong aalis dahil may pupuntahan pa ako. Gaya ng napagkasunduan namin ni Ethan kahapon ay susunod ako sa kaniya pagkatapos ng trabaho, pinayagan ko siya ngunit dapat ay kasama ako mahirap na at baka kung ano ang mangyari sa kaniya sa daan dahil sa kalasingan. Nag-aalala lang ako sa kaniya, siya lang naman ang iniisip ko kung kaya mahigpit ako sa kaniya sa ganiyang bagay.

Pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi ay nagpaalam na ako kina Aling Betty, Mang Berting at kay Marlo na aalis na.

Sumakay na ako sa traysikel at nagpahatid sa bar kung nasaan si Ethan kasama ang mga kaibigan niya.

Ilang saglit lang ay nakarating na rin ako sa destinasyon ko, huminto ang sinasakyan kong traysikel sa mismong tapat ng bar.

Bumaba ako at nagbayad ng pamasahe sa traysikel driver bago naglakad papasok sa loob ng bar ngunit bago 'yon ay hinarang muna ako ng dalawang bouncer sa entrance.


Sinabi kong may mga kasama ako sa loob at tinanong rin ng mga ito kung minorde-edad pa ba ako o hindi. Nang masiguradong hindi nga ako minorde-edad ay tsaka lang nila ako hinayaang papasukin sa loob.

Sumalubong sa akin ang  maiingay at nagsasayang mga tao, sumasayaw at ang malakas na tugtog nang banda. Kadalasang senaryo sa isang bar ang naabutan ko, umiwas ako ng tingin ng may makitang naghahalikan sa gilid.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang pumasok sa  isip ko na baka ganito rin ang ginagawa ni Ethan. Napailing-iling ako para tanggalin ito sa isipan, mahal niya ako at hindi niya iyon gagawin sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at paghahanap sa table kung nasaan sila. Sinusubukan kong tawagan si Ethan kanina ngunit panay ang ring lang, walang sumasagot.

Nagpatuloy ako sa paghahanap kung nasaan sila, sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan ako. Ipinilig ko ang ulo, nagbabakasaling mawala ang kakaibang pakiramdam.

Natigilan ako sa paglalakad ng makita ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Nakatagilid ito sa deriksyon ko, hindi ko makumpirma kung tama ba ang hinuha kong siya ba ito dahil hindi masyadong natatamaan ng ilaw ang pwesto nila.

Napakagat labi ako, sana mali ako. Sana mali ako. May tumamang sinag ng ilaw sa deriksyon nilang dalawa kung kaya dahil doon ay malinaw kong nakita ang dalawang taong naghahalikan, tila walang pakialam. Tila silang dalawa lang ang tao dahil sa klase ng kalaswaang ginagawa.

Tumingin ako sa itaas, nagbabakasaling mapigilan ang nagbabadyang luha ngunit kahit ganoon, kusa itong tumulo, walang paawat ayaw huminto.

Napangiti ako ng magawa kong maihakbang ang mga paa ko sa kabila ng panghihina.  Naglakad ako papalapit sa kanila at huminto lang nang ilang dipa na lang ang pagitan ko sa kanilang dalawa.

Tumikhim ako hindi para kuhanin ang atensyon nilang dalawa kundi para tanggalin ang bumabarang kung ano sa lalamunan ko. Ngunit sa pagtikhim kong iyon ay ang ikinatigil nilang dalawa sa ginagawa, si Ethan ang bumitaw.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon