KABANATA 25

388 19 71
                                    

CHAPTER 25

'Shero May P.O.V'


8 Years Later...

Nakangisi akong lumabas sa sariling sasakyan bago hinarap ang lukot na mukha ni Uncle Carter. "I won."

"Ngayon lang 'yan, sa susunod ako naman." Umismid ito sa akin at sumandal sa sariling sasakyan na katabi lang ng akin.

"Again? Hindi ko na mabilang ang sinabi mong sa susunod ikaw naman." Walang buhay na boses kong kumento habang hindi nawawala-wala ang munting ngisi sa labi.

Natigil kami sa pag-uusap ng tumunog ang telepono ko sa bulsa ng suot kong pants. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag, agad na nalukot ang mukha ko at ibinigay ito kay Uncle Carter.

"Bakit hindi ikaw ang sumagot?" Tanong nito ngunit kinuna rin ang telepono. Umismid lang ako at umiwas ng tingin. Kausap nito ang Ina ko, ang mommy ko.

Bumuntong hininga ako ng marinig ang pinagsasabi nito at nang matapos makipag-usap ay tsaka ibinalik sa akin ang telepono.

"Anong sabi?" Walang buhay na boses kong tanong at kinuha ang v-fresh sa bulsa.

"She's finding you. Umuwi na raw tayo." Anito habang nakatingin sa akin. Bumuntong hininga ako bago nginuya ang bubble gum na nasa bibig.

"May isang round pa ng car racing, uuwi na tayo?" Tanong ko at tumingin sa mga sasakyang nagpapaunahan kung sino ang manalo.

"Yeah, we need to go home. May flight pa tayo bukas." Marahas at walang emosyon akong tumingin sa kaniya.

"Hindi ako sasama sa inyo." Matigas at mariin kong sabi.

"I thought you move on. Ano ito at bakit ayaw mong bumalik?" Aniya na may mapaglarong ngisi sa mga labi.

Umiwas ako ng tingin at binuksan ang pinto ng sariling sasakyan, tumingin ulit ako sa kaniya. "Aalis na ako." Rinig ko ang mahina nitong tawa dahil sa sinabi ko.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at isinara iyon bago binuhay ang makina at nagmaneho paalis.

Malalim akong bumuntong hininga ng maalala ang sinabi nito. Move on? Yes, I am. Matagal na akong maayos.

...

Kinaumagahan pababa na ako ng hagdan nang marinig ko ang malakas at galit na boses ni Tito Ryan, ang ama ni Maya at ang asawa ng mama ko.

"Come back here, Maya!" Tila kidlat ang matalim nitong boses. Bumuntong hininga lang ako bago nagpatuloy sa paglalakad.

Nakasalubong ko ang kapatid ko. "Ate, I don't want to come back there in Philippines."

"Ayaw ko rin naman. Nagsumbong ba ako sa'yo?" Umismid ako at pinakatinitigan siya. Mas lumukot ang mukha nito.

"Why are you always like that? I'm serious here." Naghihistrikal nitong sigaw.

"Kung gusto mong kausapin kita ng matino, magtagalog ka naririndi ako sa'yo." Tinalikuran ko na siya at nagsimulang naglakad papuntang kusina.

"Oh, is that- ang ibig ko kasing sabihin ate. Ayaw kong umuwi roon, gusto kong manatili rito." Humabol ito sa akin at ikinawit ang isang braso sa braso ko. Matalim ang mga matang ipinukol ko sa kaniya dahilan para umalis ito sa pagkakapulupot sa akin.

"Kung gayon, edi sabihin mo sa kanila huwag sa akin." Walang buhay na boses kong sagot sa kaniya.

"They don't- ang ibig kong sabihin ay ayaw nilang makinig sa akin." Ngumuso ito at mahina akong siniko-siko sa braso.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon