KABANATA 1

1.1K 25 65
                                    

CHAPTER 1


'Shero May P.O.V'

"Anong ako? Ikaw ang may kasalanan! Kung hindi ka sana nag-susugal hindi sana mauubos ang perang inipon natin," napapikit ako dahil sa sigaw ni mama kay papa.

Ganito ang senaryong naaabutan ko tuwing umuuwi ako galing eskwela at ng palengke. Malakas akong tumikhim upang mapansin nila ako. Pareho silang napatingin sa deriksyon ko.

"Oh, nakauwi ka na pala." bungad ni mama, step mother ko.

Gusto kong sumagot at barahin ito ngunit itinikom ko na lang ang bibig ko at tumango.

"Magkano ang pinagbentahan mo?" tanong ni papa. Lumingon ako dito at ibinigay ang pinagbentahan ko ng isda kanina sa palengke.

Tuwing sabado at linggo ay nagtitinda ako sa palengke ng isda, sideline upang may pandagdag sa pang-araw araw namin at maging baon ko sa eskwela.

Kalahati lang sa sweldo ko ang iniabot ko sa papa ko at ang kalahati ay para sa akin.

"Bakit ito lang?" tanong ni papa at itinapat ang dalawang daan sa mismong mukha ko.

"Iyan lang ho ang ibinigay na sweldo sa akin," sagot ko at bahagyang umatras.

"Ano pa nga ba ang aasahan mo sa batang 'yan? Siyempre wala, hindi niya gayahin ang kuya Gelo niya, hayun nasa ibang bansa na at nakakapagtrabaho ng maayos at nakakatulong sa atin samantalang ayang anak mo? Wala man lang silbi," sunod-sunod na palatak ni mama, napayuko ako sa mga masasakit na sinabi nito ngunit hindi ako iiyak, hindi na.

"Hayaan mo na, sa ngayon May palalampasin ko ito. Sa susunod mas bigyan mo na lang ako ng mas malaking halaga," si papa ang nagsalita at pagkatapos no'n ay umalis na sa harapan ko at lumabas nang bahay.

"Oh, ano pang tinutunganga mo riyan? Magluto ka nang hapunan," utos ni mama, tumango lang ako at naglakad na papuntang kusina.

Napabuntong hininga ako bago naghugas ng kamay sa lababo. Sanay na ako sa araw-araw na sinasabi nila. Na wala akong silbi at lagi akong ikinukumpara sa kuya ko na nasa ibang bansa.

Ano pa nga ba ang aasahan ko? Ang purihin at mapansin din nila sa mga ginagawa ko? Kahit pa yata linisan ko ang buong bahay at magbigay ako ng milyones kung meron man, sa kanila ay sa paningin pa rin nila ay wala akong silbi.

Mamayang gabi ay may raket akong papasukan pandagdag sa ipon ko at pangbigay kay papa.

May iniuwi akong tilapia, tira ito sa paninda ko kanina at ibinigay lang sa akin noong may ari ng mga tinitinda kong isda sa palengke.

Nilinisan ko pa muna ito at hinugasan bago iniluto, paksiw ang gagawin kong pangluto, dahil takot akong iprito ito.

Habang nagluluto ay isinabay ko na ring iluto ang kanin sa kabilang kalan upang habang nagluluto ng ulam ay nagluluto na rin ako ng kanin para sa amin.

Nang matapos ay inihanda ko na ang mga pinggan, baso, kubyertos sa mesa at tinawag sina mama at papa.

Pagkaupo nila sa hapag-kainan ay agad na silang nag-simulang kumain habang ako ay taimtim munang nagdasal bago kumain.

"Papasok ka ba mamaya?" tanong ni mama.

Ngumuya muna ako bago tumango. "Opo."

"Aba dapat lang," sagot nito at nagpatuloy na sa pagkain.

Nang matapos na silang kumain ay basta na lang silang umalis at iniwan akong kumakain, napabuntong hininga na lang ako tinapos ang pagkain. Ako na rin ang naghugas ng pinggan dahil wala naman akong maasahang gagawa no'n.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon