KABANATA 14

269 19 43
                                    

CHAPTER 14

'Shero May P.O.V'


Nginuya ko ang bubble gum na nasa bibig ko bago pumara nang traysikel. Nang huminto ito sa mismong tapat ko ay sumakay na ako.

Ilang minuto ang lumipas hanggang sa huminto na ang traysikel sa tapat ng university na pinapasukan ko. Nagbayad ako nang kinse pesos na pamasahe bago tuluyang umalis.

Kagaya nang palagi kong routine noon, naglakad ako papuntang building namin, sa hallway kagaya ng dati maraming nagkwekwentuhan na nakakalat sa daan.

Wala akong binigyang pansin, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan nang makarating sa loob nang classroom. Tahimik akong umupo sa sariling upuan at binuklat ang dalang libro.

Inihinto ko lang ang pagbabasa nang dumating na ang guro namin sa unang subject, nakinig ako at itinuon ang buong atensyon sa klase.

Sa lunch, hindi ako pumunta sa dating tambayan ko bagkus ay pumunta ako sa pinakamalapit na karinderya sa labas nang school dahil hindi ako nakapagluto at  nakapagbaon kaninang umaga.

Tahimik akong kumakain mag-isa, maraming tao rito sa karinderya ang ilan ay kapwa ko estudyante samantala ang ilan naman ay mga nagtratrabaho na. Natigil ako sa pagkain nang may huminto sa mismong tapat ko.

Napa-angat ako nang tingin at walang emosyong tinignan ang taong nasa harapan ko. Hindi ko ito kilala, lalaki at malaki ang katawan, may mga tatto rin ito sa braso.

Napakunot ang noo ko, "anong kailangan mo?" Walang buhay at walang emosyon kong tanong.

Ngumisi ito, "dalian mong kumain riyan. Kung ayaw mong may gulong mangyari rito, maraming madadamay." Mahina at mapanganib nitong bulong, siguro kung isa akong tao na walang kamuwang muwang sa pakikipaglaban ay kanina pa ako nanginig sa takot. Ngunit hindi, tinignan ko lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain, wala ako sa huwisyo para makipagbangayan at makipag-away.


"Boss, ayan ang sinasabi ko sa'yo. Mayabang ang babaeng 'yan." Saglit akong natigilan at tumingin sa taong nagsalita. Nangunot ang noo ko dahil pamilyar ito sa akin, kung hindi ako nagkakamali ito anh isa sa lalaking nasuntok ko noong hinarang at tinulungan ko si... Ramirez.

Napangisi ako, bago uminom nang tubig. "Anong gusto niyo? Gusto niyo nang away? Wala ako sa huwisyo, bumalik na lang kayo sa makalawa, baka sakaling nasa huwisyo na ako."

"Mayabang ka babae, sige tignan natin ang lakas mo." Nginisihan rin ako nito bago tinalikuran at naglakad palayo kasama ang dalawang lalaki.

Napabuntong hininga ako at ipinagpatuloy ang pagkain, marami-rami pa ang natitirang pagkain ko.

Nang matapos kumain ay tumayo na ako at isinukbit ang bag sa balikat. Lumabas ako ng karinderya, tumingin ako sa kaliwat kanan bago tumawid.

Nasa pedestrian lane na ako nang matigilan ako sa pagtawid dahil sa nakita, napakagat ako sa pang-ilalim kong pisngi ng makaramdam ako ng kaunting kirot sa kaliwang bahagi ng dibdib ko.

Kitang kita ko siya mula sa kabilang bahagi ng kalsada, mukha itong nasisiyahan sa ginagawang pakikipaghalikan. Hindi ko kayang tignan ngunit hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanilang pareho.

Walang kami, pinalayo ko siya pero ito ako ngayon at nasasaktan habang pinagmamasdan siyang may ibang babaeng kasama at kahalikan.

Natigil lang ako sa pagtitig sa kanilang dalawa nang sunod-sunod na busina nang sasakyan ang narinig ko at galit na boses ng mga driver na naabala ko. Umiwas ako ng tingin sa dalawa at tumuloy sa pagtawid. Muli kong ibinalik ang tingin sa kanilang dalawa, tumigil na sila at nagkatitigan.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon