KABANATA 18

294 15 53
                                    

CHAPTER 18

'Shero May P.O.V'

"Can I hug you?" Tanong nito, nag-aalangan ito kung yayakapin ba ako o hindi.

"Tsk, sira ulo. Akala mo naman ay ngayon mo lang ako kung yakapin. Sige na yumakap ka na." Ismid kong turan sa kaniya, wala pang segundo ay mabilis ako nitong niyakap na animo'y isa akong premyo na ngayon niya lang nakuha.

"I love you, I love you babe." Paulit-ulit na bulong nito sa pagitan ng yakap namin, mas hinigpitan pa nito ang yakap.

Napangiti ako at iniyakap ang parehong braso sa kaniya. "Mahal rin kita, Ethan." Mahina kong bulong sa mismong tapat ng kaniyang tainga.

"Talaga, mahal mo rin ako?" Nanunudyo nitong tanong at bahagyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako.

"Oo nga. Ang kulit." Kunwari ay naiinis kong sagot sa kaniya.

"Kiss me then." Mapanghamon nitong wika, napailing na lang ako at walang pasabing hinalikan siya sa pisngi, "hindi riyan."

Napangisi ako. "Umuwi ka na nga, ang landi mong lalaki." Nandirito kami ngayon sa loob ng sasakyan at malapit lang kami sa tapat ng bahay namin. Kagaya ng dati, hinintay at hinatid na naman niya ako.

"Sa'yo lang naman." Panunudyo nito at hinawakan ang kamay ko.

"Sa akin lang? Eh sa dinami-rami ng babae mo wala kang nilandi ni isa?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya, alanganin itong ngumiti at niyakap ako sa baywang.

"Nakaraan na 'yon, huwag nang ibalik." Nanlalambing nitong aniya.

"Oo na, sige na umiwi ka na." Binaklas ko ang pagkakayakap niya sa baywang ko.

"Itinataboy mo na ba ako?" Ito na naman ito, ang ugali nitong nagpapaawa na animoy kailangan mong sundin.

"Hindi, kailangan mo nang umuwi dahil malalim na ang gabi. Delikado sa daan." Pagpapaliwanag ko rito, hindi ko mabaklas ang braso niya sa baywang ko.

Nagulat ako ng bigla ito dumukwang at gawaran ako ng halik sa labi. "Okay. I'll go now. Susunduin na lang kita bukas."

Tumango ako. "Itext mo ako kung nakauwi ka na." Paalala ko, ngunit napakamot ako sa ulo nang maalalang hindi ko pala alam ang numero nito.

"Hindi ko alam ang number mo." Sagot nito, kinuha ko ang cellphone ko at iniabot sa kaniya.

"Nandiyan ang number ko, kalkalin mo hindi ko alam kung paano hanapin." Umiwas ako ng tingin pagkabigay sa kaniya.

"Hindi mo ba memorya?" Rinig kong tanong niya.

"Hindi, dahil hindi ko naman madalas gamitin 'yan at tanging si Kuya at si Marlo lang ang nakakaalam ng number ko." Sagot ko sa kaniya, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya dahil ni number ko ay hindi ko man lang binigyang pansin para memoryahin at ni hindi ko rin alam kung saan hahanapin ang number ko kung sakaling may magtanong.


"Who's Marlo?" Agad akong napatingin sa kaniya ng itanong niya kung sino sa Marlo, nakakunot ang noo niya na animo'y naiinis habang nakatingin sa akin.

"Si Marlo? Kaibigan ko." Tipid kong sagot.

"Hindi magandang may kaibigan kang lalaki. You should stay away from that guy." Tila ay nangangaral nitong aniya at bakas ang disgusto sa kaniyang boses.

"Hindi guy, baka gay." Pagbabawi ko sa huling sinabi niya.

"You mean, he's a gay?" Medyo gulat nitong tanong at bahagyang tumawa.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon