KABANATA 3

596 22 69
                                    

CHAPTER 3


'Shero May P.O.V'



Ipinahinto ko ang sasakyan sa gilid, malayo na sa pinang-galingan namin, malayo na sa mga kalalakihan.

"Aalis na ako, ikaw na ang bahalang gumamot sa sarili mo." Wika ko at bahagya siyang nilingon, mahinang daing ang lumabas sa bibig niya.

"Ang sakit ng katawan ko." Anito, at bahagyang hinawakan rin ang gilid ng labi dahilan para mapadaing ito.

"Tsk, hindi mo ikamamatay." Sagot ko, ang sabi ko ay aalis na ako ngunit hindi ko mai-kilos ang mga paa ko para makalabas, may pumipigil sa akin.


"Arghh! Hindi ka man lang ba naaawa sa akin? Nananakit na nga ang katawan ko, ginaganyan mo pa ako?" Tanong nito at nilingon ako, saglit siyang natigilan at napatitig sa akin. "You look familiar." Mahinang bigkas nito.

Umiwas ako ng tingin. "Aalis na ako." Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ng magsalita siya.

"Nagkita na tayo. Ikaw 'yong babaeng bigla na lang naglaho." Bulalas nito at bahagya pa akong itinuro.


"Sira na ba ang ulo mo? O naalog kanina?" Kunot ang noong tanong ko sa kaniya.

Umiling siya ng dalawang beses. "Hindi ako nagkakamali. Ikaw 'yong babae sa daan. Hindi mo ba ako naalala?"

"Tsk. Kailangan ko ng umalis." tuluyan ko ng binuksan ang pinto ng sasakyan niya.


"Wait!" pag-pigil nito sa akin sa akmang pagsasara ng pinto.

"Ano?"

"I just want to say thank you for helping me. You don't need to go, ihaatid na kita bilang pasasalamat." Wika nito at bahagyang ngumiti.

Umiling ako. "Hindi na kailangan, magco-commute na lang ako."

"No, ihahatid na kita." Pagpupumilit nito, umiling lang ako bilang hindi pagpayag at ikinaway ang isang kamay ko at isinara ang pinto ng sasakyan niya bago naglakad papalayo.



Hindi na ako dumeritso pauwi ng bahay, dumeritso na kaagad ako sa bayan, sa lugawan na pinagtratrabahuan ko.

Pagdating ko ng lugawan ay hindi pa gaanong marami ang mga taong kumakain, naglakad ako papasok sa loob at doon ko naabutan si Marla, Aling Betty at Manong Berting.

Nginitian ako ni Marla at naglakad palapit sa akin, natigilan ito ng mapatingin siya sa braso ko, itinuro niya ang gilid ng braso ko gamit ang hintuturo. "Anong nangyari diyan?" Tanong nito, dahilan para mapatingin rin ako sa sariling braso.

Kibit balikat ang itinugon ko, bago siya tinalikuran para ibaba ang bag sa upuan. "Hoy anong nangyari diyan sa pasa mo?" Habol na tanong nito. Maging si Mang Berting at Aling Betty ay nagtatanong na rin.

"Wala ito." Sagot ko, ito siguro ang natamo ko kaninang pasa na hindi ko napansin.

Isinuot ko ang apron at humarap sa kanila. "May idedeliver na ba ako?" Tanong ko.

Tumango si Mang Berting. "Ibigay mo ito sa unahang mesa, anim na order." Wika nito at iniabot sa akin ang tray na may lamang anim na mangkok na may lamang lugaw.

Naglakad ulit ako palabas dala-dala ang tray. Gaya ng sinabi ay inilagay ko ito sa mesa ng mga umorder. Pagkalapag ko ay tsaka na ako umalis at bumalik sa loob.


Kagaya ng palaging routine tuwing nagtratrabaho ako ay iyon ang nangyari ngayon, hanggang sa sumapit ang alas-dose ng madaling araw at doon lang kami uuwi.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon