KABANATA 11

333 13 72
                                    

CHAPTER 11

'Third Person's P.O.V'

Napakunot ang noo ni Shero ng mapansing pamilyar na bahay ang hinintuan nila. Binuksan ng isa sa kasambahay ang gate kung kaya ay tuluyan ng ipinasok ni Ethan ang sasakyan sa loob.

"Dito ang bahay niyo?" Hindi niya maiwasang itanong dito, hindi siya pweding magkamali, alam niya kung kanino may ari ang bahay na ito.

Tumango si Ethan. "Yeah, halika na at baka hinhintay na tayo ni mommy sa loob." Nakangiti nitong pag-aya sa kaniya ng maihinto ang sasakyan, kahit naguguluhan ay tumango siya bago ibinigay rito ang bulaklak at tinanggal ang sariling seatbelt at bumaba.

Sabay silang naglakad ni Ethan papasok sa loob ng bahay, nakakaramdam ng kaunting saya si Shero dahil sa nangyayari, hindi siya nagkakamali, ito ang bahay nito.

"Mom, dad, I'm home!" May kalakasang sigaw ni Ethan, nasa bukana pa lamang sila ng pinto ay nagsalita na ito.

May mga ilang bisita rin sa bahay, mukhang hindi magarbo ang handaan. Ilang saglit lang ay lumabas na ang ina ni Ethan mula sa kusina, may suot pa itong apron.

Automatikong napangiti si Shero, hindi niya gawaing ngumiti sa kahit kaninong tao ngunit ng makita ang ina ni Ethan, si Rj ay napangiti siya.

"Anak nan-." Nabitin ang sasabihin ni Rj ng mapatingin ito sa deriksyon niya. "May." Rinig niyang bigkas nito sa pangalan niya.

"Miss Joy." Tugon niya na may munting ngiti sa labi, naglakad ang ina ni Ethan palapit sa kanila.

Nalukot ang mukha ni Rj dahil sa itinawag niya rito. "Ilang beses ko na bang sinabi sa 'yo, huwag mo akong tatawaging Joy."

Mahina siyang natawa. "Bagay naman, hindi magandang pakinggan ang Rj."

Ngumiwi si Rj sa sinabi ni Shero. Kung mag-usap ang dalawa ay para bang magkababata lang at hindi nalalayo ang idad isa't isa. Napakunot ang noo ni Ethan, naguguluhan siya sa inaakto ng dalawa.

"Wait mom, magkakilala kayo?" Singit nito sa usapan.

Doon lang napagtanto ni Rj na nandirito pala ang anak niya. "Oo, bakit mo siya kasama? Huwag mong sabihin na siya ang isinunod mong babae." Agad na tumaas ang presyon ni Rj, akmang pipingutin siya ng ina sa tainga ng agad siyang umatras at nagtago sa likuran ni Shero.

"Mom hindi, isinama ko siya dahil sabi niya ay makikikain raw siya." Parang batang sumbong nito, marahas at malalim na bumuntong hininga si Shero.

Maling mali ang pagsama niya rito. Ginawa pa siyang panangga ng lalaki. Sira ulo!

"Miss Joy, isinama ako ng anak mo dahil gusto raw nitong patunayan sa'yo na hindi na siya babaero. Hindi ko alam na anak mo pala ito, hindi naman kasi halata." Walang prenong aniya sa ina ni Ethan, baka mag-away pa ang mag-ina sa mismong harapan niya kung hindi siya sasabat.

"Magkakilala kayo ng anak ko?" Tanong ni Rj sa kaniya, napabuntong hininga siya.

"Isasama ba ako ng anak mo kung hindi kami magkakilala?" Sarkastiko niyang tanong.

"Naninigurado lang. Mamaya na tayo mag-usap May. Halina kayo at kumain na tayo." Aya ni Rj sa kanilang dalawa, nakahinga siya ng maluwag. Nagpaunang naglakad si Rj, kung kaya ay nasa likuran silang dalawa ni Ethan.

"Magkakilala kayo ni mommy?" Mahinang tanong ni Ethan sa kaniya.

"Oo." Tipid niyang sagot, tinatamad siyang magsalita alam niyang pupunuin siya ng mga katanungan ni Rj mamaya kung mag-usap man silang dalawa.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon