KABANATA 26

436 19 70
                                    

CHAPTER 26

'Shero May P.O.V'

Pagkauwi pa lang namin ng bahay kung saan ang bahay na pinagdalhan sa akin noon ni Uncle Carter. Dinala ko ang isang maleta at isinukbit sa balikat ang isang backpack.

Sinubukan akong tulungan ng isang bodyguard ngunit tinanggihan ko lamang ito. Nakasunod sa pagpasok ang kapatid ko sa akin, mukhang antok na antok na ito dahil hindi ito nakatulog sa biyahe namin.

"Dumeritso ka sa kwarto mo." Utos ko sa kaniya, tinanguan lang niya ako at naglakad paakyat ng hagdan. Bumuntong hininga ako at iniwan ang maleta at ibinaba ang bag para pumuntang kusina, kanina pa naghuhurumintado ang tiyan ko dahil sa gutom at nauuhaw na rin ako.

Nasa bukana pa lamang ako ng kusina nang matigilan ako dahil sa babaeng nakatagilid sa deriksyon ko, umiinom ito ng tubig kung kaya ay hindi agad nito nakita o napansin ang presensiya ko.

Napalingon ito sa deriksyon ko at halos mabitawan nito ang hawak na baso ng makita ako. "A-anak? Akala ko ba ay dalawang araw pa kayong mananatili ng France?" Bakas ang pagkagulat sa tono ng boses nito, alanganin din ito kung ano ba ang dapat sabihin.

Malalim akong bumuntong hininga bago ngumiti. "Mama?" Tawag ko sa kaniya hindi pinansin ang sinabi niya.

Pansin ko ang pagkatigil nito. "Tinawag mo akong Mama?" Tanong nito at bahagyang kumurap-kurap.

Kailanman ay hindi ko ito tinawag na Mama, kailanman ay hindi ko binanggit ang salitang Mama kapag siya ang kasama o kausap.

Tumango ako at naglakad palapit sa kaniya. Nanginginig ang labi ko ngunit hindi ko iyon ipinahalata, lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

Sa unang pagkakataon, niyakap ko ang sarili kong Ina. Ilang segundo itong hindi gumalaw, halatang nagproproseso pa sa isip niya ang ginawa ko ngunit ilang sandali lamang ay ramdam ko ang pagkayap nito pabalik sa akin.

"I'm sorry, Mama," mahina at humihikbi kong wika na tila ba ay may nagawang mali at humihingi ng kapatawaran.

Ramdam ko ang paghagod nito sa likuran ko at ang paghalik nito sa buhok ko. "Shh, ayos lang, anak. Handang maghintay si Mama para sa kapatawaran mo." 

"Ma? Pinapatawad na po kita," mahina kong tugon sa sinabi nito habang nananatilo pa ring nakayakap sa kaniya na animong ayaw kong bumitaw dahil baka maiwan akong muli.

Inihiwalay ako nito sa pagkakayakap sa kaniya at pinakatitigan. "Pinapatawad mo na ako?" Tanong nito, tumango ako na para bang isang bata. Ngumiti si Mama at hinaplos ang buhok ko. "Salamat," maluha-luha nitong sambit.

Kung noon ko ba siya pinatawad mararamdaman ko rin kaya ang ganitong kaginhawaan sa puso ko? Nabawasan ang bigat sa dibdib ko ngayong napatawad ko na ang Mama ko.

...

Nagising ako dahil sa matinding sikat ng araw na tumatama sa glass window nang kwarto ko, gising na ang diwa ko ngunit nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata ko.

Agad kong naitapon ang unan na nahagip ng kamay ko ng marinig ko ang pagtunog nang cellphone ko sa bed side table. Magkasalubong ang parehong kilay kong kinapa ang cellphone bago sinagot ang tawag na hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Ano?" Pasigaw kong pagsagot sa tawag.

"Are you coming?" Sagot nang nasa kabilang linya. Iminulat ko ang mga mata ko at bumangon mula sa pagkakahiga.

"Hindi maganda ang bungad mo Evan at mas hindi gumanda no'ng sabihin mo 'yan. Obvious na ang sagot, hindi ako pupunta. Happy Birthday na lang." Sunod-sunod kong sabi at naroon ang inis sa boses sa hindi malamang dahilan.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon