KABANATA 17

292 13 39
                                    

CHAPTER 17

'Shero May P.O.V'


"So we are really official now?" Mabilis akong napatingin sa kaniya at napahinto sa paglalakad.

Nangunot ang noo ko. "Anong official?"

"Official, like we are now in a relationship. Girlfriend and boyfriend.'' Sagot nito at tinignan ako.

''Pinagsasabi mo?'' Maang-maangan kong tanong sa kaniya.

Bumuntong hininga ito. ''About yesterday. Napag-usapan na natin 'yan kahapon. We talk about it yesterday, right?''

Bakas ang pagpapasensiya sa boses nito tila ba ay may gustong marinig mula sa akin.

Lihim akong napangiti. ''Binibiro lang, e.'' Hinarap ko ito, ''oo na nga. Kailangan ko pa bang ulitin?''

''You mean?'' Namilog ang mga mata nito, ''tayo na talaga?'' Tila hindi makapaniwalang tanong nito.

''Tsk, kailangan ba talaga ay uulit-ulitin ko pa? Oo na nga e, tayo na.'' Napaiktad ako ng bigla ako nitong buhatin at yakapin dahilan para magsitilian ang mga taong malapit sa amin, ito ang mga kinikilig samantalang ako ay gulat pa rin. Napakapit ako sa kaniyang balikat ng bahagya ako nitong iikot.

''Tayo na.YES!'' Sigaw nito, bakas ang saya at galak sa boses.

''Woii, ano ba?! Ibaba mo nga ako.'' Sita ko sa kaniya na agad naman niyang sinunud. Pinagtitinginan kami ng mga tao na kapwa namin estudyante.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya." Anito na para bang walang pakialam sa paligid, walang pakialam kung may nakakakita ba sa amin o wala.

"Halata nga." Nakangiwi kong sabi sa kaniya, "halika na nga. Pinagtitinginan na tayo." Ani ko at hinila na siya, nakahawak ang kamay ko sa pulso nito ngunit inilipat niya ito sa mismong kamay niya dahilan para mapagsiklop ang pareho naming mga kamay. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at kita ko ang bahagyang pagngiti nito, lihim akong napangiti at hinayaan siyang hawakan ang kamay.

Sabay kaming naglakad papunta sa building namin. Pareho kaming naging tahimik habang sabay na naglalakad. Ang ilan ay napapatingin sa deriksyon naming dalawa, lahat ay purong mga babae at ang ilan ay binabae.

Isinupil ko ang itinatagong ngiti, pakiramdam ko ay maswerte ako dahil nakuha ko ang atensyon nang isang Ramirez.

''Doon ba tayo kakain mamaya sa kung saan tayo madalas tumambay.'' Kalaunan ay nagsalita ito.

''Wala akong baon na pagkain, hindi ako nakapagluto kanina. Sa karinderya na lang siguro.'' Sagot ko saa kaniya, tipid itong tumango. ''Hindi ka tatanggi?" Maang kong tanong sa kaniya.


"Bakit ako tatanggi?" Tanong nito at tinanggal ang kamay sa kamay ko dahil inilipat niya ito sa balikat ko.

"Hindi ka aangal? Gusto mong kumain sa karinderya? Diba dati ay umangal ka?" Paliwanag ko.

"Doon mo gusto, hindi ba? Kung kaya doon tayo. Bukas naman ay ako ang masusunod kung saan tayo kakain." Tinignan ako nito at nginitian, ang klase nang ngiti gustong-gusto kong nakikita sa kaniya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Nangyari na ang bagay na noo'y hindi ko pinaniniwalaan.

Hindi ako naniniwala sa pag-ibig, at galit rin ako sa mga lalaking manloloko ng mga kapwa ko babae. Ngunit sadya yatang mapaglaro ang tadhana para sa akin at marahil ito rin ang naging sagot ng Diyos sa matagal ko nang ipinapanalangin. Dahil sa dinami-rami nang lalaki na pweding mapunta sa akin ay bakit ang kagaya pa ni Ethan, nasa kaniya na ang lahat nang ayaw ko sa lalaki.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon