KABANATA 2

698 27 75
                                    

CHAPTER 2

'Shero May P.O.V'

Nang huminto ang traysikel sa tapat ng university na pinag-aaraalan ko ay bumaba na ako at nagbayad ng pamasahe.

Marami ang mga tao sa hallway pagkapasok ko ng school, ganito naman palagi kaya hindi na ako nagugulat. Kwentuhan dito, kwentuhan diyan iyan ang maririnig mo sa hallway kapag dadaan ka. Nilampasan ko ang mga kapwa ko estudyante sa hallway at naglakad papunta kung saan ang building namin.

Habang naglalakad ay kinuha ko ang v-fresh na nasa bulsa ng bag ko at kinuha ang laman no'n at nginuya. Bahagya akong natigilan sa paglalakad ng makita ang isang lalaki na may kasamang babae, naka-kawit ang braso ng babae sa lalaki. Napakunot ang noo ko, pamilyar ang mukha ng lalaki sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, papunta sila sa deriksyon ko. Ngunit wala akong paki-alam deritso lang ang tingin ko sa nilalakaran at para bang hindi sila napansin.

"Ethan, can we go on a date later after class?" narinig kong tanong ng babae sa lalaki gamit ang maarteng boses.

Tsk!

Pamilyar ang pangalan ng lalaki, kaso hindi ko maalala kung saan ko ito nakilala o nakita. Nagkibit balikat na lamang ako at dumeritso na sa classroom.

Nang makapasok sa loob ng classroom bumungad sa akin ang mga kaklase kong mayroong kani-kaniyang ginagawa, dumeritso na ako sa pwesto ko at doon umupo.

Tahimik kong kinuha ang notes ko sa bag at inaral ang topic namin para sa araw na 'to. Itinago ko lang ang notes ng dumating na ang teacher namin.

Nang matapos ang klase ay inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng classroom, wala akong kaibigan, hindi kagaya ng iba na may mga circle of friends.

Hindi ko gawain ang makipag-kaibigan, hindi ako kagaya ng iba na hindi kayang pumasok ng walang kaibigan. At isa pa hindi ka nakakasiguradong kaibigan mo nga talaga ang kaibigang itinuturing mo dahil ang iba ay mapagpanggap. Wala akong tiwala kung kaya mas pinili ko na lang mapag-isa.

Tuwing pumapasok ay nagdadala na rin ako ng baon para sa tanghalian, para bawas gastos at kapag kumakain naman ay mas pinipili ko ang dumistansiya sa mga tao, hindi ako nakikihalubilo sa iba. Dahil mas gusto ko sa tahimik na lugar.

Pumunta ako sa kadalasang pwesto ko kung saan ako nananghalian at tumatambay, pero tago ang lugar na ito at hindi napupunta ang mga kapwa ko estudyante kung kaya tahimik.

Kumakalma ang pakiramdam ko sa tuwing nasa tahimik na lugar ako at may preskong hangin. Inilapag ko ang tupperware sa kahoy na mesa at umupo sa katapat na bangko.

Binuksan ko ang tupperware at pumikit bago taimtim na nagdasal pagkatapos ay nagsimula na akong kumain, tahimik akong kumain hanggang sa matapos. Inayos ko ang pinagkainan ko at ibinalik ito sa plastik.

Kinuha ko ang notes ko para mag-aral ulit, nakakatamad mag-aral pero walang akong pagpipilian kundi ang pagbutihan. Nakakahiya sa nagpapa-aral sa akin, at mas lalong hindi ko bibiguin si Kuya Gelo.

Napabuntong hininga ako inilipat ang pahina nang notes. Ilang minuto ang lumipas, napatingin ako sa relos ko. Mag-aalauna na, inayos ko na ang gamit ko at tumayo na.

Habang naglalakad pabalik sa building namin ay natigilan ako nang may marinig akong nag-uusap na kalalakihan sa isang sulok, tagong parte na kinarorounan.

Tumigil ako sa paglalakad at mabilis na nagtago.

"Mamayang uwian, abangan niyo si Ethan sa may kanto, malapit dito sa eskwelahan. Harangin niyo ang sasakyan niya. Tawagan niyo ako kung nagawa niyo na at darating ako, patikimin niyo lang ngunit parte ko pa rin siya," nakangising wika ng isang lalaki, matangkad at may katamtamang taba nakatagilid ito sa deriksyon ko, may kasama rin itong tatlong kalalakihan.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon