EPILOGO

554 20 76
                                    

EPILOGUE

'Shero May P.O.V'

Matapos ang pag-uusap namin kanina ni Ethan sa pool area ay agad na akong umalis nang hindi nagpapaalam sa kanila. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang hindi maluha dahil sa naging pag-uusap namin.

Akala ko okay na ako, akala ko ay maayos na ako. Pero ngayong nagkausap at nagkaharap na kami mismo ay hindi pala. Walong taon, walong taon ko siyang hindi nakita at walong taon ko rin siyang hindi naka-usap, at higit sa lahat aminin ko man o hindi walong taon akong nangulila sa kaniya.

Hanggang ngayon mahina pa rin ako pagdating sa kaniya, hanggang ngayon pagdating sa kaniya marupok ako. Pagdating sa kaniya nasisira ang depensa ko.

Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang parehong palad na tila ba ay anumang oras ay masisiraan na ako ng bait. Mabigat ang pakiramdam ko dahil sa naging pag-uusap namin.

May parte sa akin na gusto siyang pagbigyan sa hinihiling niya ngunit mas lamang sa akin ang nagsasabihing, huwag. Huwag dahil masasaktan lang ako.

Rinig ko ang yabag na papalapit sa deriksyon ko at ang pag-upo nito ng upo sa sofa na kinauupuan ko.

"Anak, may problema ba?" Boses iyon ni Mama, bakas ang pag-aalala rito.

Pinahid ko ang luha ko bago humarap sa kaniya. "Ma? Ano ho ang gagawin mo kung sakaling sinaktan ka ni Tito Ryan?"

Saglit ako nitong tinignan at bumuntong hininga, tila nakuha na agad nito ang ibig kong sabihin.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko anak kung sakali mang saktan niya ako," sagot niya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya, hinayaan ko naman siyang haplos-haplusin ang buhok ko.

"Patatawarin mo ho ba siya?" Pagtatanong ko.

"Oo naman, mahal ko ang Tito Ryan mo at kung sakali mang saktan o lukuhin niya ako at kung bumalik man siya para humingi ng tawad at ayusin ang relasyon namin, patatawarin at papatawarin ko pa rin siya. Anak matuto kang magpatawad," mahinahon niyang sagot, tila nag-iingat sa dapat sabihin.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Ma paano kung sobrang sakit no'ng ginawa niya, handa ka pa rin bang tanggapin ulit siya?" Garagal ang tinig ko habang nagtatanong sa kaniya.

Natahimik siya at napatitig sa akin. "Mahal mo ba siya anak?" Tanong niya, umiwas ako ng tingin.

"Nagtatanong lang ako Ma, walang tungkol sa akin," pilit kong iniiba ang usapan, takot na mahuli.

"Mali ako ng tanong, mahal mo pa rin ba siya?" Ulit na tanong nito sa akin, naroon ang kaseryosohan at naroon ang pag-aalala sa akin.

"Ma," umiwas ulit ako ng tingin at pinunasan ang sariling luha. "Ayaw ko ng masaktan."

"Tinatanong ko kung mahal mo pa ba siya," ulit nito. "Mahal mo pa rin ba siya hanggang ngayon?"

Tahimik akong tumango bilang sagot sa katanungan niya. "Mahal ko pa rin siya Ma, hindi 'yon nagbago."

Malungkot itong ngumiti sa akin. "Anak, kung mahal mo siya kahit gaano pa kasakit ang ibinigay no'ng taong 'yon sa'yo piliin at piliin mo pa ring bigyan siya ng isa pang pagkakataon, ang sakit ay lumilipas ngunit ang nasayang na panahon ay hindi mapapantayan. Kung mahal mo siya? Hayaan mo siyang patunayang muli ang sarili niya sa'yo. Anak huwag mong hadlangan kung ano ang gusto ng puso mo."

"Pero Ma? Natatakot na ako, natatakot akong masaktan ulit. Nagtatalo ang isip at puso ko, hindi ko alam kung ano," naguguluhan kong sagot.

"Anak, hindi ba't nasasaktan ka rin ngayon? Nasasaktan ka dahil nagmamahal ka, nasasaktan ka dahil pinipigilan mo kung ano ang gusto ng puso mo. Anak, hindi mo man sinabi sa akin sa loob ng walong taon, alam kung nagdudusa ka ng patago, Ina mo ako, tandaan mo 'yan."

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon