KABANATA 20

336 16 61
                                    

CHAPTER 20

'Shero May P.O.V'

"Anak ng tinalupang kabayo, Ethan! Huwag kang tumakbo!" Nanggigigil kong sigaw sa kaniya, magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kaniya.

Hinihingal itong humarap sa akin. "Babe, let's stop this. Kumain na lang tayo sa labas." Reklamo nito, pinanlisikan ko siya ng mga mata.

"Anong kumain na lang sa labas? Ikaw ang nagsabing turuan kita ng self defense tapos ganyan ang sasabihin mo? Niloloko mo ba ako? At saka, bakit ka ba tumatakbo? Salagin mo at iwasan mo ang bawat atake ko sa'yo hindi 'yong tumatakbo ka papalayo." Sunod-sunod kong sabi sa kaniya.

"Babe, mag-date na lang tayo." Pagmamaktol nito, namaywang ako sa harapan niya habang magkasalubong ang parehong kilay.

"Wala ng atrasan 'to. Walang date na mangyayari kung hindi ka makikioperate sa akin." Pananakot ko sa kaniya, inihanda ko ang dalawang kamao at ipinusisyon ang dalawang paa.

Malalim siyang napabuntong hininga bago ginaya ang posisyon ko, ilang hakbang ang pagitan naming dalawa. "Mag-focus ka, huwag mong ibaling ang atensyon mo sa ibang bagay." Paalala ko sa kaniya.


Mabilis akong nagpakawala ng isang suntok, yumuko siya para umilag, nagpakawala ulit ako ng dalawang magkasunod at mabibilis na suntok. Napangisi ako nang makita kung gaano na siya unti-unting nasasanay sa pag-ilag at pagyuko para iwasan ang bawat atake ko.

Umatras ako ng dalawang hakbang para bumwelo sa pagsipa sa kaniya, umatras siya dahil sa ginawa ko para hindi matamaan ng paa ko. Mabuti naman at hindi na ito tumakbo, dahil sa tuwing aatake kasi ako sa kaniya kanina ay tumatakbo ito papalayo sa akin na kung akala mo ay hinahabol ng aso.

Sa pangalawang pagkakataon sumipa ulit ako ng isang beses, hindi ko maiwasang hindi magulat nang magawa niyang salagin ang paa ko, hawak niya ang binti ko at tumingin sa akin, may kislap ng pagmamayabang sa mga mata niya.

"Pwedi na ba tayong mag-date?" Pagtatanong niya, sinubukan kong bawiin ang paa ko mula sa pagkakahawak niya ngunit hindi ko mabawi, tinignan ko siya na ngayon ay nakangisi na sa akin na animo'y nanalo sa isang laro.

Nginisihan ko siya bago ginamit ang malayang paa upang ipang sipa sa kaniya at upang matanggal mula sa pagkakahawak niya ang isang kong paa, tumama ang paa ko sa tiyan niya at gamit ang paang hawak niya ay bahagya kong itinulak ang dibdib niya bago tuluyang makawala sa pagkakahawak niya.

 

Napaatras siya habang sapu-sapo ang tiyan na malapit sa dibdib na natamaan.
"Ang daya, Shero." Reklamo nito na may kasamang pagdaing.

Gusto kong makunsensiya ngunit hindi pwedi, hindi siya matututo kung paiiralin ko ang awa sa kaniya.

"Hindi ako madaya, ginawa ko lang ang dapat gawin para maisalba ang sarili. Huwag mong hayaang maloko ka ng kalaban mo Ethan, dapat bago pa sila makaisip ng taktika para maloko ka ay dapat natapos mo na sila. Gamitin rin ang utak para makapagehersisyo minsan." Puno ng pangaral kong sabi sa kaniya at naglakad-lakad.

Nandirito kami ngayon sa likod ng bahay nila kung nasaan ang hardin nila, may malawak na espasyo sa gitna na may mga bermuda grass. Magandang lugar para sa pag-eensayo.


Maaga pa lang ay sinundo na niya ako sa bahay, nakapajama pa ito at plain na puting damit na pangbahay ang suot. Gusto raw niyang matuto kung paano dumepensa, naisip niya raw mula pa kagabi na pangit raw na ako iyong nagliligtas at tumutulong sa kaniya na dapat raw ay siya ang gagawa dahil lalaki siya.


You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon