KABANATA 8

445 17 85
                                    

CHAPTER 8

'Third Person's P.O.V'


Hindi mapakali si Ethan mula sa kinauupuan niya. Kadarating lang nila galing church. Kasabay niyang umuwi ang kakambal at si Rachel. Habang ang magulang naman nila ay naunang umalis sa kanila at may dinaanan.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o hindi dahil nakita niya si Shero, nagkita muli silang dalawa at natutuwa siya roon ngunit hindi niya maiwasang hindi mainis dahil sa sinabi nito.

Iniisip ba nito na idadagdag lang niya ito sa koleksyon niyang mga babae? Gano'n ba ang tingin nito sa kaniya? Mali bang gusto niyang mapalapit dito dahil gusto niya ito? Dahil gustong-gusto niya ito?

Kanina ay para bang pinagbabawalan na siya nitong lumapit, bakit ba naman kasi ay hindi niya mapigilan ang walang filter niyang bibig at nasabi niya na boyfriend siya nito sa mismong harap ng kuya ni Shero.

Napabuntong hininga siya bago tumayo at umakyat sa hagdan, natigilan siya ng makasalubong ang kapatid na pababa.

"Pauwi na sina mom and dad." Anunsyo ni Evan sa kaniya, tinanguan niya lang ito bago nilagpasan wala siya sa huwisyo para makipagbarahan sa kakambal.

Pumasok siya sa sariling kwarto at hinubad ang lahat nang suot at dumeritso sa banyo, he needs to breath. He feels like suffocated, at dahil iyon sa nangyari kanina. Hindi niya alam pero ginawa niyang big deal iyon.

Napakagat siya sa pang-ibabang bahagi ng labi at hinayaan ang malamig na tubig na tumulo sa katawan niya.

Nang matapos ay nagbihis na siya ng simpleng puting damit at pinaresan niya ito ng kulay navy blue na sweatshort. Pinunasan niya ang basang buhok gamit ang tuwalyang nasa balikat niya.

Lumabas siya ng silid nang maayos na, ngunit hindi ang kalooban nito. Dahil hanggang ngayon iniisip pa rin niya ang mga sinabi ni Shero.

Pare-pareho na silang naka-upo sa hapag ngayon, katapat niya ang pwesto ng kakambal na katabi si Rachel, siya naman ay katabi ang kanilang ina, kasama rin nila sa hapag ang pamilya ni Rachel, dahil malapit ang ina nito sa ina niya.

Kadalasan ay siya ang madaldal, siya ang dumadada tuwing kumakain, ngunit ngayon ay tahimik lang siya at paminsan-minsan ay tumatango kapag siya ang tinatanong kahit pa na hindi niya naintindihan kung anong tanong ito.

Nang matapos kumain ay tumayo na siya at nag-paalam.

"Saan ka pupunta?" Tanong ng kaniyang ina, hinalikan niya ito sa pisngi at ngumiti.

"Diyan lang sa tabi-tabi ma." Sagot niya bago tumalikod, alam naman niya na kahit ganoon ang ina niya ay hindi siya nito natitiis. Kung kaya ang mga gusto niyang gawin ay nagagawa pa rin niya.

Lumabas siya ng bahay pumasok sa loob ng kotse, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Pero gusto niyang umalis at magliwaliw. Ayaw niyang tawagan ang dalawang kaibigan, gusto niya ng tahimik.

...

Kinaumagahan, lunes ay tinatamad siyang bumangon para pumasok. Kung hindi pa siya sinugod ng ina ay malamang hindi siya babangon.

"Mom!" Angil niya habang nakapikit pa.

"Tigilan mo 'ko Ethan, bumangon ka diyan kung ayaw mong paliguan kita ng malamig na tubig." Sermon ng kaniyang ina, iminulat niya ang inaantok pang mga mata at tinignan ang ina. Ngumiti siya, "hindi mo ako madadaan sa paganyan-ganyan mo Ethan. Bumangon ka na!"

Sumimangot siya. "Mom, ayaw kong pumasok." Reklamo niya bago bumangon mula sa pagkakahiga.

Pinandilatan siya ng mga mata ng kaniyang ina. "Papasok ka sa ayaw o sa gusto mo." Final na sabi nito sa kaniya. Wala siyang nagawa ng lumabas na ang kaniyang ina sa silid.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon