KABANATA 21

338 16 87
                                    

CHAPTER 21

'Shero May P.O.V'


Iniwan namin ang sasakyan sa parking area. Pagkatapos naming nagtinda sa palengke kanina ay tsaka na kami umalis, ngunit bago 'yon ay ibinigay ko muna sa may-ari ang kinita at hinatian niya kami nito bilang sahod sa pagtitinda ng isda.

Iniwan na namin ang sasakyan kung saan namin ito iniwan kanina, hindi na namin ito ginamit bagkus ay maglalakad na lang kami kung saan man namin gustong pumunta.

"I'm hungry. Nagutom ako sa pagtitinda." Anito habang sabay kaming naglalakad. Maraming kainan na pweding pagbilhan dito sa bayan.

"Nagugutom ka na ba talaga? Medyo malayo pa kasi ng kaunti 'yong pagkakainan natin. Kaunting tiis pa?" Alanganin kong sabi sa kaniya, nakakahiya naman kasi talaga sa kaniya, tinulungan na niya ako sa paglalaku at siya ang dahilan kung bakit maagang naubos ang paninda kong isda. Kaya nararapat lang na bigyan ko naman siya ng oras at tuparin kung ano ang gusto niya.

"It's okay babe. Kahit saan, hindi pa naman ako ganoon kagutom." Aniya, nakahawak ito sa kamay ko, animong kapag bumitaw ay mawawala dahil sa higpit ng pagkakahawak.

Ilang minuto ang lumipas nakarating na rin kami kung saan ang sinasabi kong kainan, dito ako madalas kung kumain tuwing lumalabas, dahil bukod sa masarap ang luto nilang pagkain ay mura pa.

Halu-halong pagkain ang tinda nila rito, may ihawan, may mamihan, may kanin at iba't ibang ulam na masasarap. "Ako ang manlilibre ngayon."

"No, babe. Ako na." Tanggi nito, umiling ako.

"Ako na."

"No, ako na. May pera naman ako, itabi mo na 'yan." Pagmumulit niya, tinitigan ko siya bago umiling.

"Hindi nga kasi, hayaan mo naman akong magbayad. Sa susunod na labas na lang natin at saka ikaw na ang magbayad, pero ngayon ako naman." Pakikipagdiskusyon ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya bago nakipagtitigan sa akin. Kalaunan ay tumango rin. "Bukas, sagot ko ang lahat nang gasto. Okay?" Tumango ako sa sinabi niya bilang tugon.

"Humanap ka na lang ng pwesto natin ako na oorder. Anong gusto mo?" Pagtatanong ko.

"Sa kung ano ang gusto mo, iyon na rin ang akin." Sagot nito, tipid lang akong tumango bago siya iniwan para umorder ng makakain para sa amin.

Pumunta ako sa harap, para umorder. Special mami ang inorder ko, nagpaluto rin ako ng barbeque para sa amin. Kumuha rin ako ng iinumin para sa amin, umorder na rin ako ng shanghai.

Pagkatapos no'n ay tsaka na ako umalis para puntahan kung saan man niya piniling pumwesto. Nakita ko siya sa hindi kalayuan, naglalakad na ako palapit sa kaniya ng may nakabanggaan ako. Hindi ko alam kung sinadya o hindi sinasadya.

Napatingin ako sa taong 'yon. "Pasensiya na Miss. Hindi ko napansin." Hingi nito ng paumanhin sa akin, pamilyar ang mukha ng lalaki sa akin ngunit hindi ko na maalala kung saan ko ito nakita.

Tipid lang ako tumango bago siya iniwan, hindi ko siya kilala at hindi ako basta-basta nakikipag-usap. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating kung saan ang pwesto namin ni Ethan.

"Sino 'yon?" Tanong niya, nagkibit balikat ako bago ibinalik ang tingin sa lalaking nakabanggaan ko, nangunot ang noo ko ng mahuli ko itong nakatingin sa deriksyon namin, wirdo. Ibinalik ko kay Ethan ang tingin.

"Hindi ko kilala. Hintayin lang nating ideliver ang pagkain." Paliwanag ko sa kaniya bago umupo sa upuang katapat niya.

Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa lalaking iyon, hindi ko siya kilala. Ngunit pakiramdam ko ay may kakaiba. Isinantabi ko iyon at ibinigay ang buong atensyon kay Ethan.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon