KABANATA 22

337 14 61
                                    

CHAPTER 22

'Third Person's P.O.V'

"I found her, I found my daughter. Sa wakas nagkita rin kami." The middle age woman exclaimed with a glint of happiness. Kaharap nito ang lalaking nasa edad bente pataas.

"Yeah, you found her with my help." Mayabang na sagot nang lalaki sa ginang. Umayos nang upo ang ginang, bago ininom ang wine na nasa sariling baso.

"Para namang hindi kita kapatid. But anyway, thank you for finding her for me, my brother." Ngumiti ang ginang sa kausap ngunit hindi naman siya nito tinugon.

"Nasabi mo bang anak mo siya?" Pagtatanong ng lalaki, lumungkot ang ekspresyon ng ginang dahil dito.

Umiling ito. "Hindi, hindi ako nakapagsalita ng magkita kami. Tanging si Maya lang ang naka-usap niya. Gusto ko siyang yakapin at sabihing anak ko siya pero hindi ko magawa." Malungkot na pahayag ng ginang.

"In the right time, you can tell that to her." Tipid lang na tumango ang ginang sa sinabi nang kapatid. "Why don't you try to talk your ex-husband?" Suhetisyon ng kapatid.

Dumilim at tumalim ang mga mata ng ginang dahil sa narinig. "Hindi ko naging asawa ang lalaking 'yon, at kasalanan rin ng lalaking 'yon kung bakit hindi ko man lang nakasama ang anak ko at ni hindi man lang ako nito kilala. Kinuha at itinago niya ang anak ko sa akin."

Bumuntong hininga ang kapatid. Hindi alam kung ano ang sasabihin para kumalma ang nakatatandang kapatid.

"Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang anak ko." Mariing sabi ng ginang, naroon ang kaseryosohan at autoridad sa boses.

...

'Shero May P.O.V'


"Babe." Napatingin ako sa kaniya ng tawagin niya ako.

"Bakit?" Tanong ko, niyakap nito ang braso sa baywang ko. "Huwag kang magulo, may ginagawa ako."

"Nag-aaya si Vin bukas, birthday niya bukas nag-aaya siyang lumabas kasama kami." Alanganin nitong nitong sabi bago umiwas ng tingin, nangunot ang noo ko.

"Bakit mo 'yan sinasabi?" Tanong ko.

"Nagpapaalam nga kasi ako para naman alam mo at hindi ka magalit." Noon nang magpaalam siyang sumama at lumabas kasama ang kaibigan ay hindi ko siya pinayagan. Alam ko kasi na kung lalabas siya kasama ang mga ito ay alam kong hindi mawawala ang alak sa kanila, at nag-aalala ako para sa kaniya.

Ayaw ko siyang mapahamak, hindi naman siguro 'yon masama hindi ba? Natatakot kasi ako, maraming nadidisgrasya dahil sa kalasingan at natatakot akong mangyari 'yon sa kaniya. Ayaw ko lang siyang masaktan, kung kaya ay pinagbabawalan ko siya.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko, kalmado ngunit naroon ang diin at kaseryosohan.


"Diyan lang sa tabi-tabi." Sagot niya, matalim ang mga matang ipinukol ko sa kaniya.

"Sasabihin mo o sasabihin mo?" May banta sa tono ng boses kong sabi.

Napakamot ito sa kilay. "Babe, kahit naman sabihin ko hindi ka papayag."

"Sa bar ba?" Seryosong tanong ko, alanganin itong tumango bago umiwas ng tingin. Bumuntong hininga ako. "Hindi pwedi." Napayuko ito dahil sa sinabi, isinisik rin nito ang ulo sa tiyan ko dahilan para bahagya akong mapaatras.

"Pwedi ka namang sumama." Naroon ang pagpupumilit ngunit mahinahon ang pagkakasabi nito.

"May trabaho ako sa lugawan, Ethan. Alam mo naman kung bakit ayaw kitang payagan diba? Nag-aalala lang ako, paano na lang kung masyado kang malasing? Magmamaneho ka pa pauwi paano kung may mangyari sa'yo?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya, naroon ang pagpapasensiya.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon