KABANATA 4

540 26 93
                                    

CHAPTER 4

'Shero May P.O.V'

Alas dose na ng gabi ako nakauwi, kagaya nang dati. Ngunit hindi kagaya nang dati na sa likod ng bahay ako dumadaan tuwing umuuwi ng bahay dahil ngayon, hindi naka-lock ang pinto at bukas rin ang maliwanag na ilaw.

Pumasok ako sa loob ng bahay at naabutan si Kuya na nasa sala habang nakaharap sa sariling laptop at may ginagawa.

Nang makuha ko ang atensyon niya ay isinara niya ang laptop at hinarap ako. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yong itigil mo na ang pagtratrabaho?" Seryosong tanong nito, bungad pa lang.

Lumunok ako. "Kuya naman, kailangan kong mag-trabaho para naman may pandagdag at hindi kana mag-trabaho pa sa ibang bansa."

"Maupo ka." Utos nito, sinunod ko ang utos niya at umupo sa katapat nitong upuan. "Hindi mo responsibilidad 'yun, Shero."

"Gusto kong tumulong, at isa pa kinakailangan rin nina papa ang ilang kinikita ko." Sagot ko.

"Anong kinakailangan? Hindi ba sapat ang mga pinapadala ko?" Kunot ang noong tanong nito, umiling lang ako at bumuntong hininga.

"Sapat na sapat, Kuya Gelo. Hayaan mo na lang akong mag-trabaho, kaya ko naman. Nag-iipon rin ako para sa pang-koleheyo ko."


Ito naman ang bumuntong hininga. "Sinubukan ko siyang hanapin sa Macau-." Anito na iniiba ang usapan.

Pinutol ko ang sinasabi niya. "Ilang beses ko na rin bang sinabi Kuya? Huwag mo ng hanapin ang babaeng 'yun, sayang lang ang oras mo sa paghahanap." Mariin kong sabi.

"'Yang pagsasalita mo. Nanay mo pa rin 'yon." Suway nito sa akin.


"Hindi ko siya nanay, dahil kung talagang nanay ko siya? Hindi niya ako iiwan." Walang emosyon kong wika. Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo. "Sige kuya, bukas na lang ulit tayo mag-usap. Inaantok na ako." Paalam ko bago siya iniwan sa sala at dumeritso sa kwarto para magpahinga.

Hinding hindi gagawin ng isang ina ang iwan ang kaniyang anak. Kaya hindi ko siya itinuturing na Ina dahil hindi naman siya nagpaka-ina sa akin, iniwan niya ako sa tatay ko. Iniwan niya ako, na anak niya.

Kaya kahit ganoon si mama, ang step mother ko ayos lang dahil siya hindi niya ako iniwan, alam kong galit lang siya dahil anak ako sa labas ng tatay ko. Naiintindihan ko naman 'yun, at palagi kong pipiliting intindihin.

...


Kinaumagahan maaga akong nagising dahil sa mabangong amoy na sigurado akong nagmumula iyon sa kusina. Bumangon ako at naglakad papunta doon, at doon ko nakita si Kuya na inaayos ang mga inilutong pagkain. Nang makita ako nito ay ngumiti siya.

"Halika na, sabayan mo na akong kumain. May pasok ka pa hindi ba?" Tanong nito, tumango lang ako at umupo sa upuan.

Napapikit ako dahil sa mabangong amoy na niluto niya, at tipid na napangiti. Nang makaupo na si Kuya ay pareho muna kaming nanalangin bilang pasasalamat bago nagsimulang kumain.

"Sina papa?" Pagtatanong ko, nag-angat naman ito ng tingin sa akin.

"Tulog pa, kumain kana diyan at huwag mo na silang isipin." Ismid nito.

"Tsk."

Sa bahay na ito, tanging si kuya lang ang tagapag-tanggol ko. Si kuya lang ang nakikitungo sa akin ng maayos, kaya nang umalis siya at pumunta ng ibang bansa para doon mag-trabaho ay sinanay ko na ang sarili ko.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon