KABANATA 13

296 15 53
                                    

CHAPTER 13

'Shero May P.O.V'

Humigop ako nang kape upang kahit papaano ay mahimasmasan ako. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa pinagusapan namin kagabi, hindi ako pinatulog.


Halos masamid ako sa iniinom nang umupo si papa sa upuang katapat ko, halos hindi ko naramdaman ang presensiya nito. "Hindi ba't may pasok ka pa? Bakit nakaupo ka pa riyan at tulala?"

Nagtaka ako sa sinabi nito, ngunit mabilis akong napatingin sa orasang nakadikit sa ding-ding, bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang mag-aalasyete na nang umaga. Hindi ko namalayan ang oras masyado akong nawili sa pagkakatulala.

Mabilis akong tumayo para sana umalis na at maligo ngunit agad akong bumalik dahil hindi ko pa naaayos ang mga pinagkainan ko ngunit nagsalita si papa.

"Ako nang mag-aayos, maligo ka na at maghanda sa pagpasok at baka mahuli ka." Natahimik ako sa sinabi nito saglit akong natigilan na para bang pinoproseso pa ang narinig ko mula sa kaniya. Tumango ito na para bang sinasabi na sige na, pumunta na ako.

Tumango lang ako bago tumalikod, nakakapagtaka sa unang pagkakataon ay maayos akong kinausap ni papa. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam nang kaunting tuwa sa puso ko dahil doon.

...

Nagmamadali kong isinuot ang medyas ko, nakalimutan ko na ring isuot ang stockings ko, akmang tatanggalin ko ulit ang medyas ko nang mapailing ako, matatagalan pa ako kung magsusuot pa ako nang stockings, kung kaya hinayaan ko na lang ang medyas ko at isinuot ang sapatos. Hindi naman na gaanong pansin ang stretch marks ngunit kung titigan ay doon lang ito mahahalata.

Hindi na ako nagsuklay, isinukbit ko na kaagad sa balikat ang bag bago lumabas nang sarilinh kwarto.

"Alis na po ako." Paalam ko nang makasalubong ko si mama, bago kumaripas nang takbo palabas nang bahay.

Napatingin ako sa relong pambisig, ilang minuto na lang ay mag-aalas otso na. Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang mapansing may nakahintong sasakyan hindi kalayuan sa amin.

Naglakad ako palapit roon bago pumasok sa loob, naabutan ko ang nakasimangot na mukha ni Ramirez. "Anong klaseng mukha 'yan?"

"Gwapong mukha, bakit ang tagal mo? Late na tayo." Angil nito at bumuntong hininga.

"Nahuli ako nang gising, bakit mo ba naman kasi ako hinintay?" Kunot ang noong tanong ko sa kaniya.

"Dahil gusto ko." Tipid niyang sagot.

"Hindi pweding dahil gusto mo lang Ethan, hindi dahil gusto mo ay ihahatid at susunduin mo na ako. Huwag kang umaktong para bang boyfriend kita. Ethan, tandaan mo, walang tayo kaya huwag kang umakto. Gusto mo lang ako at hanggang doon lang 'yon." Mahaba at seryosong wika ko sa kaniya, hindi ko napigilan ang bibig ko, iyon ang kusang lumabas siguro dahil naiinis ako dahil late ako? O dahil wala akong naiintindihan sa nangyayari.

Saglit itong natahimik bago tumango, ngumiti siya, ngiting hindi ko gustong makita mula sa kaniya. "Okay, I won't act like one. Hayaan mo lang akong ihatid ka ngayon." Anito bago binuhay ang makina nang sasakyan, natahimik ako at hindi nakapagsalita.

Gusto kong umangal, gusto kong bawiin 'yong sinabi ko, gusto kong sabihin na hindi iyon ang gusto kong iparating ngunit walang lumabas ni isang salita sa bibig ko, naging tahimik ako.

Nang makarating kami sa school ay hindi pa rin siya nagsasalita, nagsalita lang ito nang nasa parking area na kami.

"Mauna ka na, may aasikasuhin lang ako." Walang buhay na boses na anito at tipid akong nginitian, gusto kong umayaw at hintayin siya ngunit kusang kumilos ang mga paa ko para talikuran siya, naglakad ako papalayo sa kaniya at iniwan siya.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon