KABANATA 24

352 18 63
                                    

CHAPTER 24


'Third Person P.O.V'


Agad na niyakap ni Ethan ang Ina pagkarating na pagkarating pa lang ng bahay. Ethan crying of his mother's shoulder.

Bumigay siya sa bisig ng kaniyang Ina, nagtataka man ang kaniyang Ina ngunit hinayaan niya lang na umiyak ang kaniyang anak.

"Mommy." Tawag ni Ethan sa sariling Ina habang nakayakap rito.

"Hmm?" Tugon ng kaniyang Ina.

"I broke her." Gumaragal ang tinig nito. "I cheated and I hurt her." He cried again, lahat ng ipinakita niya kaninang tindig habang kausap si Shero ay nawala ngayon.

Alam niyang siya ang nagkamali, maling-mali. Siya ang nanloko pero siya ang nang-iwan. Ngunit hindi niya kayang atimin na niloko niya ang babaeng mahal niya at pagkatapos no'n ay sila pa rin? Ayaw niyang maging mababa si Shero sa ganoong estado.

"Hindi kita maintindihan anak, bakit ano bang nangyari?" Mahinahong tanong ng kaniyang Ina at ito mismo ang naghiwalay sa kaniya sa pagkakayakap.

Tumingin siya sa itaas para pigilan ang luhang nagbabadya. "Napagod ako, Mom." Mahinang sagot niya. "I cheated and I left her."

Natahimik ang Ina ni Ethan, hindi nito alam ang tamang salita na sasabihin sa anak.

"Ako 'yong nagkamali Mom. Napagod ako at inisip na binabakuran at sinasakal na niya ako." Yumuko ito, sumasakit ang ulo niya dahil sa alak na nainom.

"Kaya mo siya niloko?" Walang emosyon na tanong ng kaniyang Ina sa kaniya, punong puno ito ng autoridad. Kung hindi lang nito anak si Ethan malamang ay kanina pa ito nakahandusay sa sahig. "Hindi 'yon sapat para iwan mo siya."

"I'm tired. I feel so tired Mom. Pwedi bang bukas na lang tayo mag-usap?" Tanong niya, pilit iniiwasan ang tingin ng kaniyang Ina. Hindi na niya hinintay ang magiging sagot nito, tumalikod na siya at pasuray-suray na naglakad paakyat ng hagdan.

Akala niya 'pag natapos na ang relasyon nilang dalawa magiging magaan na ang pakiramdam niya, akala niya makakapagpahinga na siya ngunit kabaliktaran ang nangyari nang tapusin na niya ang relasyon nilang dalawa.

Mas dumoble at naging triple ang bigat at sakit sa dibdib niya. Kanina habang nakatingin siya sa mga mata ni Shero kitang kita niya ang sakit dito, ngunit hindi niya iyon pinansin. Iniwan pa rin niya ito, habang magkayakap silang dalawa kanina ay ramdam niya sa yakap nito ang init na sa tuwing magkayakap sila ay ibinibigay ni Shero sa kaniya.

Gusto niyang bawiin lahat nang sinabi ngunit huli na ang lahat, pinalaya na siya nito. Wala na.

...

PARANG isang lantang halaman na naglalakad si Shero, hindi alam kung saan ang deriksyon. Patuloy lang siyang naglalakad walang deriksyong patutunguhan. Pakiramdam niya ay patay na siya, buhay ang katawan niya ngunit ang puso niya ay durog na durog na.

Napakabilis ng pangyayari parang kahapon lang noong nagkakakilala sila ni Ethan, sinusungitan at hindi niya ito pinapansin, parang kahapon lang nagbabangayan pa sila, parang kahapon lang nanunuyo pa si Ethan, at parang kahapon lang nangangako pa sila sa isa't isa at kahapon lang umiiyak pa siya sa bisig nito ngunit ngayon umiiyak siya na wala ito sa tabi niya, umiiyak siya na ito ang dahilan ng pagkawasak niya.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw niyang magtiwala, maniwala at magmahal. Ayaw na ayaw niyang pumasok sa isang relasyon dahil alam niya na masasaktan at masasaktan lang rin siya, ngunit dahil pinili ng puso niya ang kabaliktaran nang sinasabi ng kaniyang isip ay ito ang naging kahinatnan.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon