KABANATA 19

290 18 57
                                    

CHAPTER 19

'Shero May P.O.V'


"Sasabihin ko naman dapat sa'yo, kuya.  Ang kaso, alam mo naman kung gaano ako katamad humawak ng cellphone, hindi ba? Kaya ayon hinintay na lang kita, kita mo naman ngayon sinasabi ko na sa'yo." Mabilis at sunod-sunod kong paliwanag sa kaniya, takot na baka magalit ito sa akin.

Kadarating lang nito kaninang madaling araw at ngayon nagaalmusal ako kasama siya at ng mga sermon niya. Mabuti na lang at hindi pa gising sina mama at papa.

Higit isang linggo na rin kaming mag-nobyo at mag-nobya ni Ethan. naging maayos naman kami, maayos naman ang relasyon at set-up naming dalawa. Tumino na rin ito, minsan nga lang ay nainis ako sa kaniya dahil habang kumakain kami ng inihaw diyan sa bayan ay may biglang humila ng buhok ko.

At napag-alaman kong isa pala ito sa naging mga babae niya noon. Noong gabing 'yon dahil sa inis ko ay binaliktad ko ang sitwasyon namin no'ng babae, hinuli ko ang kamay niya at inilagay sa sariling likuran.

Naging dahilan rin 'yon para mas mainis ako kay Ethan, ngunit todo suyo  naman ito. Nang kumalma na ako ng gabing 'yon ay naaayos rin naman namin kung ano ang hindi napagkasunduan.

"Gusto kong makilala 'yang lalaking 'yan, Shero." Seryosong aniya nii kuya. Napalunok ako at napainom ng tubig, bago tumango sa kaniya.

"Minsan mo na siyang nakilala kuya." Alanganin kongg sabi sa kaniyaa.

"Talaga? Iyon ba 'yong nakita ko noon sa labas ng church? Na sinasabing boyfriend mo raw?" Nakakunot ang noong tanong nito sa akin.

Napaiwas ako ng tingin, bago tumango. Agad akong napalingon kay kuya ng marinig ko ang pagtawa nito. "Bakit ka tumatawa?"

"Akala ko ba ay hindi mo 'yon gusto? Akala ko ba ay wala lang 'yon? Nalunok mo na ba lahat ng sinabi mo, Shero?" Sunod-sunod na tanong ni kuya, animong nanunudyo.

Napakamot ako sa pisngi ko. "Hindi pa ako sigurado noon kuya. At natatakot pa ako noon."

Bumuntong hininga ito. "Ayos lang naman sa akin Shero kahit may nobyo ka na, huwag mo lang pababayaan ang pag-aaral mo. At tandaan mo kung hanggang saan lang dapat kayo nang lalaking 'yon, hindi porque mag-nobyo at nobya kayo ay dapat niyo ng subukan ang lahat. Magtapos muna kayo ng pag-aaral at siguraduhin niyong kasal na kayo bago niyo gawin ang bagay na 'yon. Maraming nabuubuntis na bata ngayon dahil pinapairal ang kapusukan." Mahabang monologue nito, bumuntong hininga ako.

"Naiintindihan kita kuya, pero masyado ka namang malayo. Alam naming pareho kung hanggang saan lang kami kuya, may pangarap kami." Mahinahon kong sagot sa kaniya.

"Nagpapaalala lang, Shero." Anito bago humigop sa kape.

Natigilan kami sa  pag-uusap ng dumating si mama at papa rito sa kusina.

"Ano 'yang naririnig kong nobyo at nobya?" Natigilan ako sa tanong  ni papa, napa-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita itong  nakatingin sa akin. "May nobyo ka na pala, bakit hindi mo sinabi?"

"At bakit hindi mo man lang rito dinala? O iyon ba 'yong madalas na maghatid at sumundo sa'yo na chinochismiss ng mga kapit bahay? Sana man lang ay pinatuloy mo rito sa bahay." Singit ni mama sa usapan, bakas sa boses nito ang inis.


Napatingin ako kay kuya, nagkibit balikat lang ito. "Ah, mamaya po. Pupunta siya rito." Yumuko ako, at pinagpatuloy ang pagkain, ayaw kong makita ang reaksyon nila.

...

Nang makalabas na ako ng bahay ay inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa balikat bago nagpadala ng mensahe kay Ethan. Sinabi kong huwag na lang ako nitong sunduin at sa school na lang kami magkita.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon