The Four Elementals [EDITED]

569 22 0
                                    

MARY'S POV

Kasalukuyan kami ngayong nasa office ni Miss Sean kasama si Sir Soren, Amber, White, Black, the two guys who fought with each other and even the girl named Amy na napag-alaman kong may hawak ng air element.

"Nagkapikunan lang kayo" panimula ni Miss Sean sa dalawang lalaking nagsimula nang gulo sa cafeteria.

"Do you know that using your power in that way is prohibited?" Dagdag pang tanong ni Miss Sean.

Tumango at yumuko naman ang dalawa bilang pagsagot.

"Alam niyo pero pinagpatuloy niyo parin ang ginawa niyo. Both of you will be banned from school and training for a week" saad ni Sir Soren bilang kaparusahan ng dalawa.

"Do you understand?" Asked by Miss Sean.

"Yes Miss" nahihiyang sagot ng dalawa.

"Maakaalis na kayo" pagpapatuloy ni Miss.

Tahimik na lumabas ang dalawa ng principal office at ngayon naman ay nabaling na sa amin ang tingin nina Miss Sean at Sir Soren.

"Amber?" Tanong ni Sir Soren habang nag-aantay sa sagot ni Amber.

Hindi naman ito makasagot dahil alam niya siguro na siya ang may mali sa aming dalawa.

"Mary?" Pagtawag naman ni Miss Sean sa akin.

Tumingin ako sa kaniya at nagsalita.

"Siya ang nauna"

"You call me bitch" mataray na sagot ni Amber.

"Because you really are" I answered smirking na nagpakuyom ng kaniyang kamao.

"Damn you!" Inis niyang sigaw sa akin.

"Yung laway mo" inis kong singhal habang pinupunasan ang laway na tumalsik sa mukha ko gawa ng kaniyang pagsigaw.

Inis na tumayo si Amber at akma akong susugurin ngunit hindi niya naituloy ang kaniyang binabalak dahil bigla nalang siyang napahinto. Nagmamakaawa ang mga mata niyang tumingin kay Miss Sean.

Miss Sean is using her control manipulation to Amber. An ability to control someone from moving.

"Tell us what happened" mahinahong utos ni Sir Soren kina White.

Nagsimula namang ikwento ni White at Black ang buong pangyayari, simula sa pagpapalabas ng spear ni Amber, sa pagpapaulan niya ng water balls sa direksyon ko at hanggang sa paggamit ko ng motion manipulation.

"You started all of this Amber" Miss Sean concluded. Binitawan niya narin ang pagkontrol sa paggalaw ni Amber kaya naman nakagalaw na siya.

"Maaari na kayong umalis" saad ni Sir Soren sa direksyon namin nina Black.

Nagsimula na kaming tumayo at ganon din naman ang ginawa nina Amber, at least we don't have punsihments unlike sa dalawang lalaki kanina.

 "Amy bantayan mo si Amber" narinig ko pa ang inutos ni Sir Soren kay Amy.

Nang makalabas kami sa opisina ay wala namang ginawa si Amber kundi ang irapan ako bago niya kami tuluyang talikuran.

Nagkasundo narin kaming tatlo na huwag nang bumalik sa klase at inaya nalang nila akong pumunta sa garden ng Academia. Namangha ako ng makita ang hardin na pinuntahan namin dahil makikita sa buong lugar ang lumulutang na mga tila bituwin at ang mga puno ay may iba't ibang kulay na dumadagdag sa ganda ng lugar. Its definitely an enchanting garden.

"That Amber is a brat" panimula ni White ng makaupo kami sa gilid ng sapa na kakikitaan ng mga kakaiba at magandang isda.

"She really is" pagsang-ayon ko naman kay White.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now