Mom [EDITED]

337 17 0
                                    

MARY'S POV

Another day at ngayon ang araw kung kailan darating ang mga head ng Magical World.

Kasalukuyan kaming nasa balkonahe ng kwarto namin ni Black kasama si White, nakatambay lang kami rito dahil wala namang klase ngayon pero kailangan naming pumunta mamayang hapon sa auditorium kung saan gaganapin ang event nang pagdating ng mga head.

"I'm excited to see the heads" halata sa boses ni White na excited nga siya.

"Me too, mamayang hapon ay pangalawang beses palang natin sila makikita" komento naman ni Black.

Bihira lang pala dumating ang mga head kung pangalawang beses palang nila sila makikita.

"At least now we will see them not in a war" natatawang tugon ni White.

"Why?" Taka kong tanong. "Don't tell me una niyong nakita ang mga head ay noong nangyari ang war 10 years ago"

"Yup at nakakalungkot lang isipin na dalawa nalang ngayon ang head ng Magical World" malungkot na sagot ni Black.

"Ilan ba sila dati? What happened to the others?" Hindi ko na napigilan pa ang magtanong.

"Magical World heads consist of three people, dalawang babae at isang lalaki pero nang dahil sa nangyaring war ay namatay si Master Liam" sagot ni White.

"I'm afraid baka may mawala nanamang isa sakanila kung sakali mang may mangyaring war nang dahil sa pagdating ko" hindi ko naiwasang mag-isip ng possibility that war will occur because of my exsistence.

Hinawakan ni White ang kamay ko at mahina itong pinisil.

"Hey, don't tell me iniisip mo parin ang sinabi ni Amber?" tanong niya.

"Hindi ko maiwasan, isa pa tama naman ang sinabi ni Amber. Ako pa ang magiging dahilan ng pagkapahamak niyo, ako pa ang magiging dahilan nang pagkakaroon ng panibagong hidwaan sa pagitan ng Magical Academia at Enchanted Academia" paliwanag ko.

"Don't think like that Mary. This world is created for peace hindi mo na kasalanan kung may mga masasama mang tao ang nais guluhin ang tahimik na mundo natin" pangungumbinsi ni Black.

Nginitian ko sila at hindi na muling nagsalita pa. Gusto kong maniwala sa mga sinasabi nila, gusto kong paniwalain ang sarili ko na magiging ok lang ang lahat pero malabong mangyari ang bagay na iyon.

Nabanggit ni Axel na paghihiganti ang pilit na ninanais ng Enchanted, hindi ko man alam ang dahilan noon pero kapag sinabing paghihiganti sigurado akong puno lang ng poot ang damdamin nila at mahirap na itong pigilan.

Nanatili pa kami sa balkonahe ng ilang oras hanggang sa makaramdam na kami nang gutom.

"Kain na tayo" aya ni Black.

Nagtungo na kami sa cafeteria at nang makarating ay agad naman kaming kumain. Tahimik lang kaming kumakain dahil naubusan nadin kami ng ma pag-uusapan sa haba ng daldalan na ginawa namin kanina.

Matapos kumain ay naisipan naming bumalik sa kwarto namin at ganon din si White para maghanda narin dahil maya-maya lang ay sasalubungin na ng buong Academia ang pagdating ng dalawang matataas na tao sa mundong ito.

Hindi pa man kami nakakalabas ng cafeteria ay sumalubong na sa amin si Axel.

Iniiwas ko ang tingin sa kaniya.

"Mauna na kami sayo Mary" paalam nila Black.

Gusto ko sana sila pigilan pero mabilis naman silang nakaalis.

Naglakad ako palabas ng cafeteria at ramdam ko naman ang pagsunod ni Axel.

Sinabayan niya ko sa paglakad pero nanatili lang akong tahimik.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now