Rare Type [EDITED]

488 24 1
                                    

MARY'S POV

Ramdam ko ang iba't ibang klase ng enerhiya na gumagapang at gustong kumawala sa aking katawan.

I can't do anything but to let them all go, naghahalo ang mga enerhiya sa katawan ko na gumagawa nang komosyon sa aking buong sistema.

Bakas na ang takot sa mata ni Amber pero hindi ko siya masisisi dahil kahit ako ay nagsisimula narin matakot sa sarili ko.

I can't fully control the powers that I have.

Muli kong nginitian si Amber, an assurance smile na hindi ko siya sasaktan. Madami ng lakas ang nawala sa akin at bugbog nadin ang katawan ko but I need to do anything to control my powers.

Dahil patuloy sa pagwawala ang mga enerhiyang nasa katawan ko ay hinayaan ko nalang sila, pinagbigyan ko ang gusto nila. Hinayaan ko silang makawala mula sa katawan ko at ang lahat ng enerhiyang nagsisitakasan sa katawan ko ay ginagawa kong shuriken at kunai. Isa, sampu, bente hanggang sa hindi ko na mabilang ang mga weapon na nagawa ko. Pinalibot ko silang lahat sa katawan ni Amber.

Nagpatuloy pa ang pagwawala ng mga enerhiyang tinataglay ng katawan ko hanggang sa unti-unti ko na silang tuluyang ma-kontrol ngunit patuloy parin ang tindi ng aurang tinataglay ko at pati narin ng mga weapon na nakapalibot sa katawan ni Amber.

Itinaas ni Amber ang kamay niya hudyat na sumusuko na siya sa laban.

Hindi ko pa magawang paglahuin ang lahat ng weapon na aking ginawa dahil sa lakas ng enerhiyang tinataglay nito.

This is one of the reason why I don't want my mama to know about my ability dahil noong mga panahong nag-eensayo ako sa natural na mundo ay ramdam ko ang kakaibang kapangyarihan na taglay ko. Natutunan ko ang mga kapangyarihan na taglay ko sa loob lamang nang sandaling panahon. If I learned about an ability in the book, I can easily have that power and I don't have the confidence if I can control this kind of power, maybe I can but I can't say if my body can.

This battle, this is my first time at hindi ko inaasahang pupuruhan talaga ko ni Amber at nang dahil dito ay nagwala ang lahat ng mga nalalaman ko tungkol sa mga kapangyarihan. I can't see myself but I'm aware that my aura is currently consist of numbers of different color with a water dragon at my back.

Inipon ko ang natitirang lakas ko para paglahuin ang napakadaming weapon na nakapalibot sa katawan ni Amber.

Halos malagutan ako nang hininga sa aking ginagawa pero nakahinga naman ako nang maluwag ng mapag-tagumpayan kong paglahuin ang mga ito.

I shouted in pain. Nakita ko ang ibat-ibat kulay ng aura at ang water dragon na kumawala sa bibig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Tahimik akong nanood sa mga batang nagtatrabaho sa bukid. I'm 16 years old na at sila ay nasa sampu palang pero nagtatrabaho na sila. We own this, nagtatrabaho sila para sa amin. We let them para makatulong sila sa mga magulang nila at isa pa, mabait naman ang mama ko kaya bukod sa pasahod ay binibigyan din sila ng mga gulay at palay na pwede nilang mauwi sa pamilya nila.

Natigil ang pagmumuni muni ko nang dumating ang isang bata sakay-sakay ng isang toro. Nagwawala ang toro at bumabangga na ito sa mga puno na nakapalid sa bukid. Bakas ko na ang takot sa mata ng bata at nagsisimula narin akong matakot. Napapikit ako nang muntikan nanaman silang mabunggo pero sa pagkakataon na ito ay sa batong bahay na nasa gitna ng bukid.

Dumilat ako na hawak ang bata at hawak ang sungay ng toro, pareho silang hindi nasaktan.

Nagpasalamat ang bata sa akin. Umuwi ako sa bahay na walang maintindihan sa nagyayari.

Magical Academia ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon