Dress [EDITED]

389 19 0
                                    

MARY'S POV

Kasalukuyan kaming nasa loob ng classroom at mas doble ang ingay ngayon ng mga kaklase namin.

"Bakit parang excited ata lahat?" Tanong ko na ikinikibit balikat lang nina Black.

"Anong meron?" Tanong ni White sa isa naming kaklase.

"Nakalimutan niyo na ba? Nag-aayos na sila para sa ball na gaganapin bukas nang gabi"

"Omg! Oo nga pala" excited na sabi ni White.

"Anong ball?" Tanong ko.

"Anniversary nga pala ng school bukas at every anniversary ay may ball na nagaganap" sagot ni White.

Na excite naman ako dahil isang beses palang ako naka-attend sa ball.

"Bakit may pasok ngayon kung may importanteng okasyon naman pala bukas?" Tanong ko.

"Walang klase at training na magaganap ngayon, we will just wait sa lalaking gustong maging partner tayo" paliwanag naman ni Black.

Oo nga pala kailangan ng partner sa mga ganoong okasyon.

"Paano kapag wala akong maging partner? Hindi nalang ako pupunta" wala naman akong kilalang lalaki dito bukod kay Axel at Tristan. Being the hottest and handsome guy in the Magical World malabong ayain ako ng isa sakanila.

"Common Mary, maya-maya lang siguradong marami nang magbibigay ng dress sayo" Sagot ni White.

"Dress?" Anong meron sa dress?

"Kung sino ang magbibigay ng dress sayo sila yung mga lalaking gusto kang maging partner at kapag sinuot mo ang dress na binigay ng specific na tao sayo ibig sabihin noon ay siya ang tinatanggap mo na maging partner mo" paliwanag ni Black.

"Madami bang nagbibigay sainyo?" Tanong ko.

"Kay Black madami sakin mabibilang pa naman" sagot ni White.

Hindi naman nakakapagtaka kung madami ang lalaking gugustuhing maka-partner si Black at White. They are both beautiful and kind at the same time.

"Pero dahil nandito ka Mary baka ikaw na ang makatanggap ng pinakamadaming dress" suhestiyon naman ni Black.

"I agree, isa pa maganda si Mary at siya pa ang kaisa-isang taong may hawak ng rare type" pagsang-ayon ni White.

Kaya pala wala rin akong nakikitang mga lalaki mula kanina ng pumasok kami, maybe they are buying dresses para makahanap ng partner sa ball.

"How about the upper high students?" Tanong ko ng muling maalala si Axel, I was thinking about him last night because of what happened. Maayos na kaya siya?

"Sila Axel ba? Umaattend silang apat sa ball pero wala naman silang partner na dala-dala" sagot ni Black. I knew it, hindi gagawing mag-aya nina Axel ng makaka-pares nila.

"Kung pwede nga lang na babae nalang ang magbigay ng masusuot ng lalaki para sa ball siguradong pipilahan si Axel at Tristan" Kumento ni White.

"Hindi mo rin makikitang sasayaw si Axel pero sila Tristan naman go lang. Kapag may umaaya sakanila ay pinagbibigyan naman nila" paliwanag pa ni Black.

"Edi inaaya mo si Tristan sumayaw?" Panunukso ko sa kaniya.

"No Mary, last year si Tristan ang umaya sakaniya" sagot ni White.

"Really? Bakit ka naman niya aayain?" Mangha kong tanong.

"I don't know" nakangiting tugon ni Black na tila inaalala ang nangyaring pagsayaw nila.

"And you know what Mary doon nagsimula ang pagiging patay na patay ni Black kay Tristan" pagpapaalam ni White sa akin.

Balak ko pa sanang magtanong ng mag si datingan na ang ilan sa mga kaklase naming lalaki. Pinanood namin silang lapitan ang mga babaeng gusto nilang maging partner at gaya nga ng sinabi nila Black ay madami ang nagbibigay ng mga dress sakanila at ganon nadin sa akin.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now