Mission [EDITED]

446 21 0
                                    

MARY'S POV

Nagising ako na ramdam ang bigat sa buo kong katawan. Nandito nanaman pala ko sa hospital ng Academia.

Sinubukan kong umupo pero hindi pa kaya ng aking katawan kaya naman mas pinili ko nalang na manatiling nakahiga.

Napasilip ako sa bintana nang may marinig akong kaluskos. Gabi na pala.

"Masama pa ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Axel na kapapasok lang sa bintana.

"Bakit ba sa bintana ka nadaan?" 

"I'm asking how are you?" Nasa tabi na siya ngayon ng kamang hinihigaan ko.

"Mabigat pa ang pakiramdam ko" sagot ko.

"I will call Amy to heal you" he said at bago paman ako maka-kontra ay nawala na siya sa harapan ko.

Wala pang limang minuto ay nakabalik na si Axel na sa bintana parin dumaan.

"Amy is on her way" bungad niya.

"Gaano katagal akong nakahiga dito?"

"Almost 6 hrs" sagot niya na nakapag-pagaan nang loob ko.

Akala ko kasi ay ilang araw nanaman ako na tulog at nakahiga rito.

Nakarinig kami ng katok bago bumukas ang pintuan.

"Buti naman at gising kana Mary kanina pa hindi mapakali iyang si Axel" nakangiting sabi ni Amy.

"Nagamot kana ng nurse pero mukhang hindi pa nga maganda ang kalagayan mo dahil madami kang nawala na enerhiya sa katawan. Ano bang nararamdaman mo?" Pagpapatuloy niya.

"Medyo mabigat pa yung pakiramdam ko"

Lumapit si Amy at inilagay niya ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib ko. Hindi ko makita yung aura niya pero ramdam ko ang paggaan ng aking pakiramdam dahil sa ginagawa niya.

"Maya-maya lang ay tuluyan ng aayos ang pakiramdam mo" paliwang niya.

"Thank you Amy" I said sincerely.

"Walang anuman, sige maiwan ko na kayong dalawa" nakangiti niyang paalam.

Totoo nga ang sinabi nila White na madaling maging kaibigan si Amy dahil sa ugali nito. Nang makalabas si Amy ay umupo ako at isinandal ang likod sa unan.

"Bakit andito kapa?" Tanong ko kay Axel na nakatingin lang sa akin.

Hobby niya bang tingnan ako? Teka, ano palang nangyari sakanila kanina?

"Ok lang ba sila Miss Sean at Sir Soren?" Tanong ko.

"They are fine" sagot niya na nakapag-pahinga sakin nang maluwag. Akala ko ay napahamak sila dahil sa akin "Hindi mo ba tatanungin kung ok lang ako?" Tanong niya na ilang segundong nagpatahimik sa akin.

"Nakikita ko naman na ok ka" sagot ko ng makabawi.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin dahil sa sinagot ko.

"Are you mad at me Taylor?" Tanong niya habang magkalapit ang mukha namin.

Nakipaglaban naman ako ng tingin sa mga pula niyang mata.

No I'm not mad at you but because of what you're doing ay may kung anong kuryente akong nararamdaman sa buong katawan ko.

Gusto kong sabihin iyan pero walang salitang lumabas sa bibig ko.

"Answer me" he said looking directly into my eyes.

"I'm not" kabado kong sagot.

Hindi niya parin inaalis ang tingin sa akin kaya naman ako na ang nag-iwas ng tingin, hindi ko na matagalan na tumitig pa sa mga mata niya dahil para ako nitong hinihila palapit sa kaniya.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now